Oct 4, 2006

wala akong maisip...

tagalog ang sulatin na ito. hehe:)

Bagyong Milenyo

grabe ang nagdaang bagyo. di namin ramdam ang lakas ng hangin sa bahay namin dahil napapagitnaan ito ng dalawang malalaki at nagtataasang bahay. pinagmamasdan lang namin ang puno ni "tatang" sa tapat.

umaga palang wala ng kuryente. Asar! pero suspendido ang klase. Yehey! Pero badtrip. wala kaming magawa. de-kuryente pa ang kalan namin kaya di kami makaluto. kaya ang solusyon namin, MCDO!!!

nung araw na yun, lahat ata ng tao nasa mga kainan. mukha na nga kaming mcdo. kung nag-sara na ang mcdo, jollibee naman. ang aga ko pa matulog ng mga araw na yun. pagkatapos magligpit ng kinainan, tulog. konting chika tapos pikit na ang mata ko. at gising na ko 6:30 pa lang ng umaga. nagwalis pa nga ako ng mga dahon.

3 araw kaming walang kuryente. lagi kaming nakatunganga. napabili tuloy ang nanay ko ng ihawan. at de-uling kaming nagluto.

sabado ng gabi, sa wakas may ilaw na ulit.:)

grabe ang naging pinsala. sira ang mga puno. billboards. bubongs (what a word). poste. at iba pa.

sa bahay namin sa Laguna, hanggang ngayon wla pa ring kuryente. dahil sa posteng bumagsak. kuwawa naman ang aso ko dun. :(

Inuman

ngayong araw na to, nag-inuman at videoke sessions na naman kami. wala lang masaya lang ako.

dati ayoko ng beer, nakakasuka. pero tama ang sabi ng kaibigan ko sa uste, habang tumatagal sumasarap. hehe:) awa ng Diyos, hindi ako na-lasing. ;p

hanggang dito na lang. may gagawin pa pala akong assignments. (ows?!)

No comments:

Post a Comment