Jul 27, 2007

Realizations

this year i've started realizing what i really want for my life. it took me...say 21 years to realize that. hahaha.. joke lang. siguro kasi yung iba sa inyo nung mag-college, alam niyo na talaga yung gusto niyo sa buhay niyo. pero ako, hindi. puro ako plano, wala namang nangyayari. pero ngayon, as much as possible, gusto ko ng matupad ang plano ko.

first realization. this is weird. whenever im asked if i want to get married or have a child, my answer would always be 'nye! ayoko nga noh?! ang hirap ng buhay. ang daming gastos. blah blah blah.' basta, ayoko. pero 3 weeks ago, i've realized that i want to have a baby, a child. and i want to have a complete and happy family. there, i've said. the problem is... i dont have a boyfriend. hahahahaha!!!

second realization. my plans after i graduate. i will try to graduate on 2009...pero i doubt na mangyayari yun. 2010 ang tingin kong graduation ko. kasi ang dami ko pang naiwan na minor subjects, kasi ayoko silang kunin. puro major ang inuna ko. haaaay! if ever i graduate in 2009, i will take the board exam on 2010. i will review for one year. my reason: para hindi ako madepress, hindi madisappoint yung parents ko at ako na rin...at para lahat ng subjects ko ma-review ko ng maayos. kaysa naman mag-cram ako. hehehe!!! basta 1 yr review. pero maghahanap ako ng sideline...mag-pa-practice ako sa mga brod at sis ko na may clinic. assisstant vet nila ko...payag akong for free. :) and if ever i pass the board exam...ipapatayo ko na ang animal hospital ko. take note: hindi clinic, HOSPITAL! hahahaha. (parang mayaman kami.)

third realization. i want to take human med after vet med. whoa!!! parang mayaman ako. at parang matalino ako. pero, oo..isa yan sa mga plano ko. at alam niyo ba kung saan?? gusto ko sa UST. pero malabong dun ako. kaya sa LA SALLE na lang. hahaha!! i am a fan of grey's anatomy and CSI. na puro medicine ang subjects. gusto kong maging kagaya nila or at least. at eto, weird...gusto kong makita ang loob ng katawan ng tao. curious lang. hindi ako kuntento sa pictures eh. hahahaha!!!
---> just to add up: i also want to take baking lessons and tantananan...photographer! i am a FRUSTRATED PHOTOGRAPHER!!! it shows in the pictures/photos i took. trying hard. hahaha:)

fourth realization. its about lovelife. hahaha!!! how boring! this would be a busy year for me. kaya no time for lovelife. before, gusto kong magkalove life. pero ngayon, parang ayoko. kasi busy ako. hindi na nga ako makapunta sa salon or sa facial center dahil wala na kong oras. ang dami kong ginagawa. last night i texted my friend, na yung mga crush ko hindi ko na crush. dahil sa sobrang busy ko, hindi ko na sila naiisip. how i wish na may lalakeng makakaintindi sa kabisihan ko. at kanina habang nakasakay ako sa tricycle, naisip ko na pag naging nanay na kaya ako, maibibigay ko ba ang oras ko sa magiging anak at asawa ko? parang hindi, dahil sa mga plano ko na nakalista sa taas. di ba?! kaya dapat yung magiging asawa ko, hindi masyadong busy. hahaha!!! (parang ang demanding ko.)

at isa pa, wala namang nanliligaw kaya walang lovelife talaga. hahahaha!!!

bakit ako busy? maraming ginagawa sa school. may organization ako. sumali ako sa pswrc (phil. society on wildlife research and conservation) at ngayon nag ba-bible study na ko...speaking of bible study, that was my 5th realization na ikukwento ko in a few minutes. see..sobrang busy. hahaha!!!

fifth realization. i need God in My Life. this month, 5 days ko lang ata nakita kuya ko. at ilang oras ko lang siya nakausap. sa sobrang busy naming lahat, hindi na kami nagkakausap ng matagal. tapos my kuya told me na, nag ba-bible study na rin pala siya. nagulat pa mommy namin, kasi parang nagbago daw kami. pero ganun nga siguro pag nag mamature ang isang tao. ang dami mong narerealize. small or big basta narerealize mo na lang siya.

my welcome note in my phone right now is a bible passage from Psalm 62. trust in God alone. and i do trust Him. :)

sixth realization. actually parang hindi siya realization, its more like a dream. i wanted to travel. just go to places with my travel buddy (kung sino man yun.) kaso, hindi ako makakapagtravel without my mom, of course. siya ang may pera. hahaha!!! so kailangan kasama siya. i also have this plan, na after i graduated sana, i will *cross finger* travel all over asia. asia muna para medyo mura. hahaha!! pahinga, mag-unwind. relax. dahil tapos na ang school nun. pero malabo yun, kasi wala pa rin akong naiipon at wala naman akong sariling pera. hehehe.

so there, thats all my realizations... as of now. alam ko madadagdagan pa yan. and im looking forward to it.

Good night!!! :)

No comments:

Post a Comment