grabe hindi ko kinakaya tong semester na to. nakakapagod. not to mention na magastos.
nakakapagod ang surgery. we had 3 operations. at this friday ang fourth and last operation. ung first 3 minor operations lang. ovariosterectomy, castration and dewclawing, and tail docking. positions were done routinely. sa first operation nurse ako, 2nd assisstant surgeon, 3rd surgeon at 4th anesthesiologist.
siguro dun sa first operation, mahirap maging anesthesiologist. baket? una, hindi siya sterile. so it means na lahat ng hindi sterile siya ang kukuha at hahawak. in short, habang may operasyon, siya ang taga-kuha nito nito nito. hahaha. and i tell you, hayop ang inooperahan namin. so just imagine kung san-san lang namin nakukuha ang mga aso't pusa. though they're in good hands naman. :D pangalawa, every 15 mins kinukuhanan ng pulse, respiratory, heart rate at rectal temperature ung animal. unlike in humans, may mga machine na taga-monitor ng mga yan.
pinakamadali...uhm to sum it up. nurse. baket? kasi erm, sa amin, taga-abot lang siya ng instruments, taga-linis ng sugat at taga-ligpit ng gamit. hehehehe.
sa surgeon at asst surgeon..mahirap. ang hirap mag-isip while making an incision and excision. dun sa castration and dewclawing, asst surgeon ako, napagod ako kakatahi. 3 areas ng skin ang tinahi ko. sa may testicles at 2 sa forearm. ang hirap kasi, ang kunat nung skin nung dog. pagtanggal ko ng OR gown ko, basang-basa na yung scrub ko...sa pawis. :)
sa taildocking, surgeon na ko, madugo. literal na madugo. sumirit pa yung dugo. though ginupit ko lang yung tail sa may joint area. madugo talaga. at ngayon...ako ang nag-aalaga sa naging "patient" ko. ok na yung tail. tinanggal niya yung gauze. pero she's ok. at spoiled na siya sa akin. napamahal na nga eh. ayoko na ngang ibalik sa may-ari. hehehe:D
sa last operation, nakakapagod na ang trabaho ko. naiisip ko lang napapagod na ko. haaaaay! enterotomy. exciting yung operation namin this friday. major operation namin yun this sem. too bad, hindi ako pwedeng makialam...kasi unsterile nga ako. hanggang tingin na lang ako. :( sana makapag IV ako sa pusa. yes, pusa ang patient namin ngayon. ang hirap mag IV sa kanila. haaay.
bukas isusurrender namin yung instruments for autoclaving. at manghihingi ako ng tranquilizer kay doc. kapagod. pero last na to. at...SEM BREAK NA!!!
i hope wala akong ibagsak. as you know, i cried last month. iyak talaga. nilalakasan ko pa ang loob ko, pero nauntog ako, ayun naiyak ako. bukod sa masakit yung pagkakauntog ko, yun ang nagtrigger sa pag-iyak ko ng todo. as in bonggang bonggang pag-iyak. i cried because of school. nakakaiyak talaga. hindi ko kasi matanggap. i failed two exams. highest ako nung first exam tapos nung second exam, bagsak. as in bagsak. napaiyak tuloy ako.
im scared. natatakot ako na baka hindi ako pumasa sa board exam. natatakot ako na baka wala akong future at forever akong aasa sa yaman ng nanay ko. hahaha. (may ganung factor talaga.)
hindi kasi ako consistent student. mataas tapos bababa. i hate myself.
at narealize ko, ang hirap pala ng walang masabihan ng nararamdaman mo. ang bigat bigat. grabe. kaya a big thank you kay xuxa. she texted me nung araw na yun. though hindi ko sinabi pero still she made me smile by merely texting. hahahaha. Drama!
kagabi i cried naman kasi...dahil sa aso. feeling ko kasi hindi gumagaling tinahing part. natatakot ako na baka, may mangyaring masama. afraid of failing as a veterinarian in the future. huhuhu. pero nung tinanong ko si maldz, sabi niya wag mo ng lagyan ng gasa, tapos lagi mo lang linisin at buhusan ng hydrogen peroxide. mas madaling matuyo ang sugat nun. kahit matanggal yung tahi, magsasara na ng kusa yung sugat nun. bilhin mo yung blue, matapang pero mas madaling gagaling yung sugat.
wow. kaya thank you!!! umuwi talaga ako agad para gawin yun. at pag-uwi ko, nakawala si bubbles, yun ang name nung dog, sa cage at wala na yung gauze sa buntot niya. at nilisin ko agad yung sugat niya. though hindi na ko bumili ng blue dalhin may red naman kami. whew!
just want to share... nagkaroon ako ng 140 pesos. yahooOoo!! sa ethnovet class namin, gumagawa kami ng dog soap ang shampoo. at last week binenta namin yun. konti lang kami sa class, at pinaghatihatian namin yung 3500+ na kinita namin. wow!!! kaya kakain ako ng madami!!! hahaha.
isa pa. last monday i saw my crush in a scrub. ang cute niya talaga. as in. at hindi lang yun, yung scrub na pinagiipunan ko para bilhin, yun ang scrub niya. i mean, yung color na gusto ko, yun yung scrub an suot niya. whahahaha. though mas gusto ko yung plain scrub kaysa may prints. pero, its apple green. ang ganda talaga. mahal lang kasi kaya hindi ko pa nabibili. yung kanya kasi, yung top may prints, pero yung pants apple green. ang cute talaga. na-inlove tuloy ako. nung araw lang na yun. hahahaha:)
ah, last na kwento na. every friday, sumasabay kami kay ram pa-uwi. since isa lang yung mga way namin. astig talaga. at dahil dun, lagi kaming kumakain dito sa may village. yung kainan dito along maginhawa. astig talaga!! kaya.. a super duper big thank you sa paghatid sa amin. hehehehe. :)
ciao to all! -.<
No comments:
Post a Comment