Ah Okay?
Isa nanamang kwentong MRT at makabagbag damdaming Valentines 2011!
Valentines kahapon. Lunes. Alas-siete ng umaga. Inaasahan kong dagsaan nanaman ang tao sa MRT, pero mali ako! Namamalik-mata ba ko? Walang mahabang pila at walang siksikan sa tren. Ayos! Maaga akong makakapasok. Akala ko, nag-leave ang mga tao sa opisina para makipag-date.
Ako, wala akong date sa umaga. Kasi ang boyfriend ko ay may “trabaho”. Pero sabi ng nanay ko, magdate daw kaming tatlo: ako, si mommy at si macy. After na ng trabaho yun.
Mapapansin mong lahat ng tao, ay mukhang in-lab in-lab sa isa’t isa pero nung nakaraan lang nag-away. Hahahaha. May mga mag-jowang akala mo sila lang ang tao sa mundo. Ang sweet. Kulang na lang itlog at pwede na silang iluto parang tikoy. At syempre mawawala ba ang mga mag-jowang pareho ang suot. Show me some love.
Sina manong at manang busy sa pagtitinda ng mga rosas at kung anu-ano pa na pwedeng pagkakitaan sa valentines. At ang facebook ko ay puno ng mga larawan ng bulaklak at tsokolate na binigay ng mga boyfriend nila. Sweet noh?
Maiinggit ba ko? Sa totoo lang, di masyado. Hahaha. Hindi ako impokrita noh. Pero naisip ko na sana kasama ko ang sweetness ko. Sa totoo lang ni minsan, hindi ako binigyan ng bulaklak ng bf ko. Gusto ko siyang tanungin, pero nahihiya ako. Ayiiii! At ni minsan hindi kami nag-date ng Valentines. Kuripot din kasi ako, at siya naman…ah…kuripot din. Hahaha. Pero pag birthday, pasko at anniversary naman ay may regalo siya saken. Hindi mamahalin, pero alam kong effort kung effort naman siya. Saka kung ano lang ang kaya niya, dun lang siya.
Naisip ko din na sa halip na bulaklak eh, pagkain na lang…gaya ng French fries ng KFC. Gusting gusto ko yun. O kaya cheeseroll sa Mary Grace. O kaya pizza! Hahaha. (Nagutom ako dun ah!)
Natanong ko din sa sarili ko, kung baket tuwing valentines eh, lumalabas ang mga langgam sa katawan ng tao at sweet na sweet sila. Pwede naming araw-araw valentines. Pero pinagdasal ko na sana, gawin nilang national holiday yun, para walang pasok. Mas masaya yun di ba?
Masaya din naman ang valentines ko. Sa trabaho binigyan ako, mali kaming lahat pala, ng tsokolate ni Charlene, meiji, na ang sarap sarap. Pero hindi ko pa rin siya ubos hanggang ngayon. At nagbigay din si Ken (Hapon siya) ng tsokolate sa aming lahat. At take note: Patchi. Sabi pa niya kay Marie, na mahal yun. Akala namin nasa 50 ang isa, pero sabi ng kapatid ko ayon sa kanyang reliable source, mga nasa 200 ang isa. Ganun kamahal. Napa-whoa na lang ako. At parang gusto kong iluwa kasi ginto yun. Pero ang sarap sarap niya. O di ba ang sweet nila.
Ako walang binigay, kasi ngayon pa lang ang sweldo. Hahahaha.
Alas singko ng hapon. Uwian na! Dahil nga walang masyadong tao nung umaga, akala ko ganun din sa hapon. Pero mali ako!!! Maaga pa, pero yung tao dagsaan. Buti na lang at nakapasok pa kami sa platform. Madaming tao ang humahabol sa date nila. Kahit yung mga hing naman taga- QC pupuntang trinoma para…ewan. Makipagdate. Sa unang tren na dumating, hindi kami nakasakay. May mga estudyante kasi, magkakaibigan, ang pupuntang trinoma. Valentines, may dahilan para maglakwatsa. Pero ayaw nilang maghihiwa-hiwalay para makasakay ng tren at para mabawasan ang tao. Kaya ang resulta, naunahan namin pa silang sumakay (2 kami ng katrabaho ko). Akala nila, luluwag un, pero I doubt. MRT pa. Dahil nga nagtutulakan, yung isang estudyante, napasigaw ng…”aray! Ang b***s ko.” Hehehehe. Naipit siguro. Hay. Ganun talaga sa MRT. May nakasabay naman ako, nabuksan ang botones ng blusa niya, dahil siksikan at nag-gitgitan.
Balik tayo sa mga estudyante. Makakasakay na kasi ang ilan sa kanila, pero lalabas ulit kasi yung iba nilang kasama hindi nakasakay. So may papalit na ilan. True friendship daw yun.
Eto pa, si kuya, nakapasok sa mga babae. Isa siyang binabae na may shadow ng bigote. Naisip ko, buti pa siya nasa loob na ng tren. Hehehe.
At eto pa, may mag-jowa sa tren para sa mga babae. Hindi sila lesbo. Babae at lalaki talaga. Sa isip ko ang kapal naman ng mukha nung lalaki at pinilit niya talaga na dun siya sasakay. At naisip ko din na baka, buntis yung jowa niya. Ang sweet nga nila. Sinuotan pa ng babae ng kwintas yung jowa niya.
May mga taong hindi talaga sumusunod sa batas o sa simpleng paalala. Baket nga ba, nagkaroon ng segregation scheme sa MRT? Kasi may mga lalakeng maniyak. Yun ang realidad. Naranasan ko na yun eh. Hindi naman yun nilagay para sabihin na espesyal ang babae at dapat silang bigyan ng sariling tren na kanila lang. At kung hindi tayo marunong sumunod, hindi talaga uunlad ang Pilipinas. May overpass na nga, tatawid pa rin kung saan gusting tumawid. Pag nasagasaan, sila pa ang galit. Tama! (may galit ka, ‘te?)
Nakarating din ako ng trinoma. Kumain muna kami ni mommy sa breadtalk habang hinihintay si Macy. Sarap ng standard sausage bread nila at Hawaiian pizza at Singapore coffee. As usual, ang daming tao. Parang akala mo may 70%off na sale.Ang dami kong nakitang may dalang bulaklak. Yung iba halatang mamahalin, yung iba halatang…may mabili lang. hahaha. Masabi lang na may pagbibigyan sila ng rosas.
At sa wakes, dumating na rin ang kapatid ko. At nag-dinner na kami sa Abe. Ang sarap-sarap. Tamad kasi akong magluto, kaya mas gusto ko pag kumakain sa labas.
At para sa kabuuan, masasabi ko na masaya ang valentines ko. At ang valentines ay hindi lang para sa mag-jowa. Para ito sa pamilya, kaibigan, alagang hayop, at para sa sarili. Love yourself first!
Happy Valentines again! (para sa mga nasa ibang bansa, Valentines pa lang sa Amerika eh).