babala: ang blog post na ito ay opinion ko lang. pasensya na kung may natamaan, di ko sinasadya. May freedom of expression naman tayo di ba? at saka, blog ko ito. wala ngang nagbabasa or bumibisita sa blog ko na to. Mabuhay ka Pinas!
Proud akong Pinoy ako, pero minsan hindi maiiwasan na magtaka ka, kung bakit may mga taong di marunong umintindi.
Linggo, sa mrt. Kaunti lang naman ang tao, di naman kelangan mag madali. Sa may hagdanan ako galing, samantala ang babaeng nasa likod ko ay sa elevator galing. Kasagsagan nun ng kamakailan lang na pagsabog ng bus sa may Ayala-Edsa. Natural lang na maging alerto ang mga guards ng mga publikong lugar. Matagal ang inspeksyon, at hindi makapag hintay ang babae sa likod ko. Para pa siyang nagreklamo na bakit ang tagal at ang bagal.
Nung oras na yun, gusto kong sabihin na, “ate, anong gusto mo, makapasok ka agad pero na bomba naman ang sinasakyan mo, o ang makasiguro na ligtas ka.” Slowly but surely. Napa-hay na lang ako.
Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa na halungkatin ng guard at bomb-sniffing dog ang bag ko para lang makasiguro na ligtas ako.
Sa panahon ngayon, hindi na ko sigurado sa mga tao sa paligid ko. Bago umalis ng bahay nun, sabi ng nanay ko na mag-ingat ako sa pangit at mga kaduda-dudang mukha. Pero hindi sa lahat ng oras dapat ganun. Aminado akong hindi ako maganda, kaya naisip ko na baka ganun din ang tingin nila saken. Masakit di ba? Kaya mas pipiliin ko pang, halungkatin nila ang bag ko. Ilang segundo or minuto lang ba yun? Hindi tatagal yun ng 3 minuto.
Hindi kagaya ng MRT and Airport na may x-ray scanning machine na makikita nila ang loob ng bag mo, at hindi sila gagamit ng stick na masabi lang na naipasok yun sa bag.
Naisip ko din, na mabuting itaas ang singil sa MRT. Para madagdagan ang tren, at maging kasinghaba na ito ng platform ng bawat istasyon. Kung hahaba ito, malamang ay walang siksikan pag rush hour.
Ang tanong lang, magagawa kaya nila ito?
Isa pang insidente sa MRT. Nag-aabang na ako ng tren sa may Ayala. Hindi naman ganoon kadami ang tao. Pagdating ng tren, bumaba ang madaming turista. Siguro ay sinubukan nilang sumakay ng MRT. Madami silang bumaba. Ang sabi ng isang babae sa likod ko ay, ‘may audition ba ng American Idol dito. Walang American Idol dito’. Pabiro lang naman niyang sinabi yun sa kaibigan niya. Pero dinig naming lahat.
Nakakapagtaka lang na kelangan pa niyang iparinig sa iba. Kahit hindi naintidihan yun nung mga turista, sa tingin ko ay hindi nararapat yun.
Samantalang tayong mga pinoy, pag may nasabi tungkol sa atin ang iba, racist na ang bansag natin sa kanila, at nagagalit tayo.
Ayon sa aking nakausap, tayo daw ang isang numero unong racist sa kapwa tao natin. Tayong mga pinoy, mahilig manlait. Sa damit, sapatos, buhok, kuko, daliri, ngipin, balat at kung anu-ano pa. Tama ba? Nung una, hindi ako sang-ayon pero pag minulat mo ang isipan mo, ang masasabi mo na lang ay tama.
Ako man ay guilty, inaasar ko ang kapatid kong baboy kasi mataba siya. At inaasar niya kong baba, kasi mahaba ang baba ko. O di ba, halimbawa un ng racism. Pag may nakita akong babaeng puno ng tighawat nilalait ko siya.
Kaya dapat ihinto ang ganun kaugalian. Sabi sa BDJ planner ko, “I will always try to focus on people’s good points.” Tama!
Kaya tama na ang negativity, at dapat puro positivity na lang.
Proud pa rin akong Pinoy ako. Aprubado na nga ang petisyon ko papuntang Amerika, pero nagdadalawang isip ako. Mas gusto ko pa rin ang Pilipinas. At Mahal ko ang Pilipinas dahil Pinoy ako. Kung pupunta man ako sa ibang bansa, yun ay dahil nagbabakasyon ako. :)
Sa susunod, ikukwento ko ang mga nakakatawang experiences ko sa MRT.
“Dahil rush hour at siksikan, lahat ng babae nagkakagulo na makapasok sa paparating na tren, di na ko kelangan maglakad, at voila! Nasa loob na ko ng tren. :)”
No comments:
Post a Comment