Jan 31, 2007

pagmumuni-muni

wala namang pasok...pero nagising ako ng 5 ng umaga. una kong hinanap ang telepono ko. 1 message received ang nabasa ko. akala ko isang quote ang natanggap ko mula sa isa sa mga kaibigan. Hindi. Mali ako. dalawang salita ang nabasa ko... "gcing kpa?"

nagulat ako at binasa ko ulit ang mensahe..baka kasi may kasunod. wala. sender na ang sumunod na nabasa ko. sinagot ko ang mensahe... "2log kpa?"

hanggang ngayon tingin ko tulog pa siya, kasi di pa sumasagot.

ang daming gumugulo sa utak/isip ko. andyan ang mga proyekto sa unibersidad na dapat tapusin. at sila. oo madami sila.

sabi ko kagabi sa isip ko habang nakahiga sa kama, hindi pa talaga ako nagmahal ng isang tao. marami akong nagustuhang tao pero hindi ko talaga naramdaman na minahal ko sila. ewan. at tingin ko, hindi din naman nila ako minahal. ewan.

minsan gusto kong maramdaman at maranasan kung pano magmahal at masaktan ng sobra. dahil kung hindi ko pa naramdaman noon at dumating ang panahon na naramdaman ko na, baka hindi ko kayanin. mahina ako sa loob. parang wala lang sa labas pero nagsusumamo sa loob. (aba, seryoso..)

pero, ang gulo ng isip ko. gusto na ng puso ko pero ayaw ng isip ko. parte ng sarili ko handa at kalahating hindi handa. nagtatalo sila. kelan pa kaya ako magiging handa?

sa isang tao, gustong-gusto ko siya. pero unti-unti ko ng natanggap na hindi talaga pwede. dahil... hindi talaga pwede. kakaiba siya. nung Christmas vacation, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa kanya. buti na lang at nabuksan ang isipan ko kaagad.

tinanong ko ang isang kaibigan habang pauwi na kami galing unibersidad. "naramdaman mo na ba na mahal/gusto mo ang isang tao, pero habang tumatagal...unti-unti ng nawawala. dahil wala lang. pagod ka na siguro. dahil naliwanagan kang hindi pwede. dahil ayaw mo ng umasa. dahil sawa ka na?"

hindi niya talaga sinagot ung mga tanong ko. ang sabi niya sa akin, masyado daw akong mapili sa mamahalin ko.

naisip ko yun, pero kung titingnan ko ang nakaraan ko...medyo mapili lang ako. minsan ma-pride pa nga. pero, pagnagmahal ako...mahal talaga. un nga lang minsan nagsasawa agad. ang sama ko.

kaya siguro pagkatapos nung huli kong relasyon, wala pa ring dumadating. dahil siguro, masama nga ako.

may kumakalat na text messages ngayon. meron daw 15 klase ng puso...mamili daw ako mula 1-15. bawat numero may kahulugan kung anong puso meron ka. pinili ko ang 9. ang ibig sabihin... CRUEL. kaya naisip ko na baka masama ako. nasaktan ko pala sila. :(

balikan natin ung nagtext. gusto ko siya dati. nung hindi pa kami magkakilala. nung hindi pa kami close. at ngayong close na kami. minsan gusto ko siya, pero pinipilit kong wag siyang magustuhan...dahil alam kong hindi din naman niya ko gusto. at ngayong, unti-unti ng nawawala ang feeling na un...ewan ang gulo.

the left side of my brain says that, that message meant nothing. he was just asking. he only wants to talk to someone. he sent that message to all of your friends not just you.

the right side of my brain says that, why? he usually sleeps early, usually 9pm. its nearly 11pm and he's still awake. why?

hindi ko na alam. dapat na itong tigilan. napainom tuloy ako ng kape. at gising na gising na ko...samantalang wala naman kaming pasok. mamaya, pupunta akong robinsons galleria kasama ang mga kaibigan, para manood ng saw3. Yahoooo!!!!

pero, umaasa ako na sana...gusto niya din ako....hindi..hindi dapat umasa!

ayan, nagtatalo uli ang isip at puso...

maraming dapat unahin, bago ang buhay pag-ibig...nakakabaliw talaga!!!

Jan 22, 2007

he is such a pain in the ass

ewan. naiinis ako. basta naiinis na ko. hindi na ba siya nagsasawa sa pang-aasar sa akin?

argh!!! nakakainis talaga!!!

Jan 6, 2007

What a day!!!

kahapon: lagare ako. ahahaha:)

galing ako ng laguna at umattend ng birthday party ng isang kaibigan sa balara quezon city. wala nga akong tulog, kasi natulog na ko ng 3am. un pa rin ang dahilan kung bakit ako hindi makatulog ng maayos at kung bakit ako stressed. hehehe:)

5pm na kami naka-alis sa party. tapos pumunta kami ni eric sa sm north para imeet si albino. plano namin mag-videoke pero hindi na tuloy, kasi dumating na kami ng 6:30 sa sm. eh tapos, pupunta pa ko ng cainta para imeet sina mark, sandra at xuxa (mga brod and sis ko sa isos). kaya sabi ko kay albino na wag na kaming mag-videoke. sama na lang siya sa akin sa cainta, tutal sayang yung get up niya.

so hinila ko siya sa sta lucia. ahahaha:) ang end up namin...syempre INUMAN. adik ung mga kasama namin eh. pumunta kami sa bahay nung kaibigan at kasama nila sa duty na si carla. uminom kami ng red horse at naglaro ng baraha. enjoy talaga sobra. nakapagbonding kaming lahat. nalasing nga ako. naubos ata namin ung anim na bote. hilo talaga. as in.

ang sakit nga ng ulo ko kagabi at kanina.

umalis kami dun ni albino ng mga 11pm. lasing pa rin ako. 8 na nga ung lakad ko. pero hinatid naman kami ni mark at xuxa hanggang sakayan. (thanks!)

pero dahil sobrang lasing kami at hindi lang halata sa mukha, kumain na lang kami ni albino sa tropicsl hut kasi hindi pa kami nagdi-dinner. uminom pa kami ng kape. para medio, mawala ang hilo. tapos nagtaxi na kami hanggang cubao. at umuwi na kami sa kanya-kanya naming bahay. ahahaha:)

i came home, mga 1 am na ata un. nauna pa ko sa kuya ko. hehehe:)

i really enjoyed it. ;)