Jun 28, 2007

Like or Love?

ang hirap talaga ng walang pera. naniniwala talaga ako sa kasabihang, money makes the world go round.

ang hirap nitong sem na to. puro gastos. sana mayaman na lang ako. para walang kaso sa akin ang pera. hahaha.

anyway, hindi pa tapos ang linggong to, pero ewan ko ba...pagod na pagod na ko. kung alam niyo lang ang mga pangyayari ngayong linggong to. naguguluhan ako.

monday - kami lang ng kuya ko ang tao sa bahay. kasi may seminar ang mommy namin sa bay view sa may UN ata un. nag-check in sila ng kapatid ko, si macy sa hotel. wednesday na sila bumalik.

tuesday - since i've joined in the tanglaw university center, whenever there is an activity, i at least try to join it...dahil plano ko talagang ibalik yung faith ko kay God.

monday night, ive changed my globe sim to a sun sim. for my old friends to keep in touch with me. then rosel, my co-tanglaw, texted me para yayain ako umattend ng mass sa Manila Catherdral. its a celebration for Fr. Escriva, the founder of Opus Dei.

at first parang ayoko, kasi sakto lang yung pera ko at nakakapagod din. pero in the end, i said oo, sasama ako.

so after our ethnovet class (thank you at nag-brown out. nadismiss kami ng maaga) we headed to tanglaw in examiner st. qc. pero before that, pinuntahan muna namin si cindy. sasama kasi siya. pero hindi ko ineexpect na pati si uhm, kasama.

so ayun, pumunta na kami sa tanglaw. while in tanglaw, nag pray muna kami sa mini chapel...sobrang seryoso kaming nagdadasal ng biglang...kumulo ang tiyan ni raymond (mon). nagdadasal kami ni cindy, pero dahil narinig namin yun, pigil na pigil ang tawa namin. hanep si raymond.

sumabay kami kina ate keith at mandy papunta sa church. i met mandy nung araw na yun. grabe. she's taking applied physics in UP. whoa!!!
pero bago yun, ehem..nakakakilig to. nag-share kami ni uhm sa payong. hahaha. parang sa mga movies kasi eh. si ate keith at mandy sa isang payong. rosel at cindy sa isa. ako at si uhm sa payong ko. eh ang liit lang ng payong ko. inaasar pa niya ko. sinasarili yung payong. at hindi lang yun, sa kalsada pa kami naglakad..hindi man lang sa side walk. tapos ako pa yung nasa side ng mga dumadaang sasakyan. sarap ngang batukan.

pero naghiwalay kami ng taxi. kasama ko sa taxi si ate keith at mandy. nagkita na lang kami sa simbahan na. bago mag-start ang mass, kumain muna kami sa greenwich. nagshare na lang kami ni cindy at mon sa double pan pizza.

after ng mass, pinakilala kami ni rosel sa ninong niya at ilang mga kaibigan. niyayaya ng saranggani si mon na sumali sa kanila. ahahaha. after nun, pagkalabas ng simbahan, sabi ko kay mon pagsumali ka sa kanila, mag-ne-necktie at longsleeves ka din. kasi yung kaibigan ni rosel na taga dun, naka neck tie. kagalang-galang. wow.

after nun, umuwi na kami. at dahil, gusto nila mag-lrt...nasabi tuloy ni mon, na yung arch ng gate ng intarmuros ang lrt. adik!!! hehehe. joke. natawa na lang kami. sa malayo kasi, iisipin mong riles yun ng lrt...nung papalapit na kami, gate lang pala ng intramuros. natawa na lang kami. 9pm na ko nakauwi nun eh.

wednesday - wala lang. ordinary day.

thursday - nagpasa na ko ng kulang na requirements ng org namin. late ako sa poultry med, pero nasagot ko lahat ng tanong niya sa oral recitation. gumawa kami ng hamon sa fst...at hindi ko man lang nakausap si ehem. lagi na lang. nauutal ako sa kanya. ginawa na namin yung design para sa bulletin board ng org namin. at pumunta si uhm. nakita ko nanaman siya.

bukas, surgery lab namin. kung bakit naman kasi nag-volunteer pa kong dadalhin ko yung pusa ko. nakakapagod tuloy.

nalilito na ko. sino ba talaga? si M o si R? ang gulo. though, wala naman talaga akong pag-asa kay M. to the highest level un eh. hindi nga ako kinakausap. si R naman, comfortable ako sa kanya...at masaya din naman. sabi ko nga kay xuxa, we (me and r) complement each other. *wow!!* hahaha..

tama na nga. ayoko na ng boys. hahaha..:)

aiii...ang gulo talaga. hindi ko alam kung sino ang gusto ko. pero, humingi na ko ng sign kay God...at willing akongmaghintay. hehehe:)

Goodnight!!!

No comments:

Post a Comment