last friday pag-gising ko, naramdaman ko na na masakit na ang lalamunan ko. at alam ko sa sarili ko na sisiponin na ko. naghanda na ko sa school. since may surgery laboratory kami that day, at ako ang magdadala ng pusa, todo handa na ko. binigyan pa ko ng nanay ko ng pera pang-taxi. nung nasa school na ko, iniwan ko muna si Lika sa apartment ng ka-group ko.
may class ako ng 8-10, 10:20-11:20, 11:30-12:30..and then at 1, its surgery time. grabe talaga ang sked namin pag friday. kulang na lang wag na kaming kumain. :(
so we did IV. and yehey, isang tusok ko lang, pasok na. hahaha. pero ayun na, after ng surgery...nilagnat na ko. at di lang yun, pagkatapos ng surgery, may epidemiology class pa ko. after nun, nag-taxi na lang kami ni ava.
sobrang lupaypay ako. pagkauwi ng bahay, pinakawalan ko na si lika sa cage niya, at ako, natulog. ginising ako ng kapatid ko, 8:30 pm na pala. at sobrang taas na ng lagnat ko.
kinabukasan, sabado, na-cancel lahat ng 3 lakad ko. :( sobrang init ko, to the point na nakahiga lang ako sa kama. pati yung kama, uminit. sabi pa ng kapatid, ung kwarto din daw uminit. ang init daw ng feeling sa loob. bumabangon lang ako pag kakain, tapos akyat ulit para matulog. ang sakit pa ng katawan ko, pati mga joints ko masakit.
at ngayon, magaling na ko!!! pero may ubo pa rin. :(
nilagnat ata ako dahil sa stress. sabi ng nanay ko, mas na-stress daw ako kaysa sa pusa na ginamit ko.
grabe talaga yun. un ung worst, dahil yung mga dati kong lagnat, nakakabangon pa ko...eto hindi talaga.
kaya kayo, alagaan ang mga sarili. take your vitamins. bawal magkasakit. mahirap na. :)
goodnight!!!
No comments:
Post a Comment