Jul 27, 2007

Realizations

this year i've started realizing what i really want for my life. it took me...say 21 years to realize that. hahaha.. joke lang. siguro kasi yung iba sa inyo nung mag-college, alam niyo na talaga yung gusto niyo sa buhay niyo. pero ako, hindi. puro ako plano, wala namang nangyayari. pero ngayon, as much as possible, gusto ko ng matupad ang plano ko.

first realization. this is weird. whenever im asked if i want to get married or have a child, my answer would always be 'nye! ayoko nga noh?! ang hirap ng buhay. ang daming gastos. blah blah blah.' basta, ayoko. pero 3 weeks ago, i've realized that i want to have a baby, a child. and i want to have a complete and happy family. there, i've said. the problem is... i dont have a boyfriend. hahahahaha!!!

second realization. my plans after i graduate. i will try to graduate on 2009...pero i doubt na mangyayari yun. 2010 ang tingin kong graduation ko. kasi ang dami ko pang naiwan na minor subjects, kasi ayoko silang kunin. puro major ang inuna ko. haaaay! if ever i graduate in 2009, i will take the board exam on 2010. i will review for one year. my reason: para hindi ako madepress, hindi madisappoint yung parents ko at ako na rin...at para lahat ng subjects ko ma-review ko ng maayos. kaysa naman mag-cram ako. hehehe!!! basta 1 yr review. pero maghahanap ako ng sideline...mag-pa-practice ako sa mga brod at sis ko na may clinic. assisstant vet nila ko...payag akong for free. :) and if ever i pass the board exam...ipapatayo ko na ang animal hospital ko. take note: hindi clinic, HOSPITAL! hahahaha. (parang mayaman kami.)

third realization. i want to take human med after vet med. whoa!!! parang mayaman ako. at parang matalino ako. pero, oo..isa yan sa mga plano ko. at alam niyo ba kung saan?? gusto ko sa UST. pero malabong dun ako. kaya sa LA SALLE na lang. hahaha!! i am a fan of grey's anatomy and CSI. na puro medicine ang subjects. gusto kong maging kagaya nila or at least. at eto, weird...gusto kong makita ang loob ng katawan ng tao. curious lang. hindi ako kuntento sa pictures eh. hahahaha!!!
---> just to add up: i also want to take baking lessons and tantananan...photographer! i am a FRUSTRATED PHOTOGRAPHER!!! it shows in the pictures/photos i took. trying hard. hahaha:)

fourth realization. its about lovelife. hahaha!!! how boring! this would be a busy year for me. kaya no time for lovelife. before, gusto kong magkalove life. pero ngayon, parang ayoko. kasi busy ako. hindi na nga ako makapunta sa salon or sa facial center dahil wala na kong oras. ang dami kong ginagawa. last night i texted my friend, na yung mga crush ko hindi ko na crush. dahil sa sobrang busy ko, hindi ko na sila naiisip. how i wish na may lalakeng makakaintindi sa kabisihan ko. at kanina habang nakasakay ako sa tricycle, naisip ko na pag naging nanay na kaya ako, maibibigay ko ba ang oras ko sa magiging anak at asawa ko? parang hindi, dahil sa mga plano ko na nakalista sa taas. di ba?! kaya dapat yung magiging asawa ko, hindi masyadong busy. hahaha!!! (parang ang demanding ko.)

at isa pa, wala namang nanliligaw kaya walang lovelife talaga. hahahaha!!!

bakit ako busy? maraming ginagawa sa school. may organization ako. sumali ako sa pswrc (phil. society on wildlife research and conservation) at ngayon nag ba-bible study na ko...speaking of bible study, that was my 5th realization na ikukwento ko in a few minutes. see..sobrang busy. hahaha!!!

fifth realization. i need God in My Life. this month, 5 days ko lang ata nakita kuya ko. at ilang oras ko lang siya nakausap. sa sobrang busy naming lahat, hindi na kami nagkakausap ng matagal. tapos my kuya told me na, nag ba-bible study na rin pala siya. nagulat pa mommy namin, kasi parang nagbago daw kami. pero ganun nga siguro pag nag mamature ang isang tao. ang dami mong narerealize. small or big basta narerealize mo na lang siya.

my welcome note in my phone right now is a bible passage from Psalm 62. trust in God alone. and i do trust Him. :)

sixth realization. actually parang hindi siya realization, its more like a dream. i wanted to travel. just go to places with my travel buddy (kung sino man yun.) kaso, hindi ako makakapagtravel without my mom, of course. siya ang may pera. hahaha!!! so kailangan kasama siya. i also have this plan, na after i graduated sana, i will *cross finger* travel all over asia. asia muna para medyo mura. hahaha!! pahinga, mag-unwind. relax. dahil tapos na ang school nun. pero malabo yun, kasi wala pa rin akong naiipon at wala naman akong sariling pera. hehehe.

so there, thats all my realizations... as of now. alam ko madadagdagan pa yan. and im looking forward to it.

Good night!!! :)

Jul 18, 2007

the word: I MISS YOU

i dont know if i should be blogging, kasi exams pa rin. though pumayag si Doc james na sa next tuesday na lang exam namin sa poultry med. yehey!!! tapos surgery lec next wednesday at wala kaming surgery lab sa friday. yahoOoOOOO!!!

grabe, uso nga ata to. ang magsabihan ng 'i miss you.' kanina nag-load ako, para lang itext ko ang bestfriend kong si rhea ng, 'i miss you bestfriend'. tapos minessage ko si sol ng 'i miss you' din. tapos si jamee din. pati pa pla si narizza. hahaha.

anyways, i miss all of my friends. nung gradeschool, highschool, pati yung sa ust. hahaha. drama!!! but i just want to let you know, i miss you all walang ching. ibang iba na talaga ngayon. :) we're so matured. hahaha (instead of getting old, matured na lang.) hehehe:)

so i just i want to say... I MISS YOU ALL.

siguro, next week, ill try hugging people. hahaha. yung kilala lang. mga ka-close. its nice when you let people know you love, miss and care for them. hehehe:)

goodnight!

**naka-chat ko si mark last night. he's a good friend. at sinabi ko din na namiss ko siya. hahaha. ang dami kong namimiss. :(

Jul 15, 2007

Entry 108

i cant think of a good title. sorry. anyways, 9:51 pm na sa computer ko, pero alam ko late to eh.


exam ko bukas sa canine and feline med. pero yung utak ko nasa jupiter pa rin. binasa ko yung merck manual ko, tapos gumawa pa ko ng summary tapos binasa ko yung mga photocopied notes...pero wala, yung utak ko nasa jupiter talaga.


hanggang ngayon nag-aadjust pa ko sa school life? haii!!! this is bad! so, hindi ko na alam kung pano ako sasagot bukas. yung prof pa naman kung gumawa ng exam, pang-board. good luck sa akin.


at ngayon, pinapahinga ko lang yung utak ko, kasi surgery naman ang inaaral ko. puro anesthetic (anesthesia) ang binabasa ko. ang hirap pa lang maging anesthesiologist. kala ko madali lang, alamin mo dosage, i-compute mo yung kailangan ng pasyente para sa operasyon...in short nakasalalalay yung buhay ng pasyente sa anesthesiologist, pangalawa sa doctor tapos sa nurse. kaya ayokong maging anesthesiologist.


isa pa, last last week, may binasa akong libro ni Bo Sanchez. and i swear, i recommend that book to all women, ladies, girls as well as guys na basahin yun. ang title: HOW TO FIND YOUR ONE TRUE LOVE.



astig tong book na to. kakaiba. hindi siya kagaya nung mga romantic, love stories na napapanood natin sa tv, movies or nababasa sa mga libro. nakakagulat nga tong librong to eh. pero sobrang naaliw ako. very helpful.


jill, basahin mo to. hehehe. :)

it made me realize alot of things. and this saturday lang, narealize ko ang "deepest desire" ko. hahaha:) it just hit me. and tagal bago ko narealize yun. hahaha:)

to end this blog... good night! :)

Jul 12, 2007

I am such a boring person.

boring kasi, wala naman akong makwento ngayon. Hmm..ano bang nangyari ngayong araw na to? half day lang kasi ako kaya wala...walang nangyari saken ngayon na maganda. napagod lang ako.




gumawa kami ng siomai ngayon sa fst. at niluto namin yung longganisa na ginawa din namin. ang sarap nga eh.



in short, wala akong ginawa kundi kumain. tikim nito, tikim nun.



anyways, exams week na namin next week...at hanggang ngayon hindi ko pa binabasa lahat ng lecture notes ko. T.T tambak na silang lahat. huhu.



sige na, magaaral na ko. bye!

Jul 5, 2007

Sa Wakas Nakausap Ko Na Din Siya

ang masasabi ko lang. inspired ako gumawa ng longganisa kanina. hahaha:)

nung nakita ko na gagawa na siya ng longganisa, aba ako din. at dahil sa asin at bawang...nakausap ko siya. hahaha. para akong ewan.

ako lang naman ang may feeling na ganun.

surgery nanaman bukas.

goodnight!!!

Jul 3, 2007

I wish i have a car named bumblebee. :)

kung iniisip mong yung sa transformers ang tinutukoy ko.... may tama ka!!!

nanood kami ng transformers ngayon. wala nga sa plano yun eh. wala nga akong dalang pera. bigla na lang nagyaya si cindy. oo naman ako agad, tapos naisip kong wala pala akong dalang extra money. pero sinabi niya na, papautangin muna niya ko. pumayag naman ako.

wala talaga sa plano. pero , ayun at nanood kami. ako, si cindy at rosel. tamang trip lang. para pa nga kaming naliligaw kasi hindi namin makita yung cinema 7. nasa ilong lang naman namin. hahaha

the movie was aaaaaaaaah... GREAT!!!! i love it. mahilig kasi ako sa mga sci-fi, action movies. not to mention na nangarap ako before na makagawa ng robot. hindi siya boring kasi in between scenes, may comedy.

at eto, ang weird ko talaga... parang nalungkot ako nung naputol yung robotic legs ni bumblebee. tapos gumagapang siya papalapit kay sam. at yung expression ng robotic face niya, in pain at malungkot. pero come to think of it, robot naman yun. pag namatay pwedeng buhayin ulit. basta nakakalungkot yun.

may isa pa palang scene na nalungkot ako, nung mahuli si bumblebee... ulit. tinali siya, tapos frineeze. nakakalungkot talaga yung part na yun.

pero, astig talaga! sana meron talagang ganun, except si megatron. fiction na lang siya at ang mga kampon niya forever. :)

Jul 1, 2007

My Worst Fever Ever

last friday pag-gising ko, naramdaman ko na na masakit na ang lalamunan ko. at alam ko sa sarili ko na sisiponin na ko. naghanda na ko sa school. since may surgery laboratory kami that day, at ako ang magdadala ng pusa, todo handa na ko. binigyan pa ko ng nanay ko ng pera pang-taxi. nung nasa school na ko, iniwan ko muna si Lika sa apartment ng ka-group ko.

may class ako ng 8-10, 10:20-11:20, 11:30-12:30..and then at 1, its surgery time. grabe talaga ang sked namin pag friday. kulang na lang wag na kaming kumain. :(

so we did IV. and yehey, isang tusok ko lang, pasok na. hahaha. pero ayun na, after ng surgery...nilagnat na ko. at di lang yun, pagkatapos ng surgery, may epidemiology class pa ko. after nun, nag-taxi na lang kami ni ava.

sobrang lupaypay ako. pagkauwi ng bahay, pinakawalan ko na si lika sa cage niya, at ako, natulog. ginising ako ng kapatid ko, 8:30 pm na pala. at sobrang taas na ng lagnat ko.

kinabukasan, sabado, na-cancel lahat ng 3 lakad ko. :( sobrang init ko, to the point na nakahiga lang ako sa kama. pati yung kama, uminit. sabi pa ng kapatid, ung kwarto din daw uminit. ang init daw ng feeling sa loob. bumabangon lang ako pag kakain, tapos akyat ulit para matulog. ang sakit pa ng katawan ko, pati mga joints ko masakit.

at ngayon, magaling na ko!!! pero may ubo pa rin. :(

nilagnat ata ako dahil sa stress. sabi ng nanay ko, mas na-stress daw ako kaysa sa pusa na ginamit ko.

grabe talaga yun. un ung worst, dahil yung mga dati kong lagnat, nakakabangon pa ko...eto hindi talaga.

kaya kayo, alagaan ang mga sarili. take your vitamins. bawal magkasakit. mahirap na. :)

goodnight!!!