i like him. really like. at minsan, mararamdaman mo na lang na...parang siya na. siya na ung meant for you. its weird though. naging crush ko na siya, tapos nawala kasi hindi ko na siya nakikita, and we're both busy na kahit sa text hindi na kami nagkakausap. graduate na kasi eh. pero for the second time, cupid hit me again. (wish ko lang cupid, pati siya panain mo para saken!) at gaya nga ng forwarded quote niya: a successful relationship requires falling in love many times...only with the same person.
un un eh. kinilig kaya ako nung natanggap ko yan. hehehe!!! =)
i've known him since, uh 2006. nung una, parang ayoko sa kanya. kasi mukhang mayabang. tapos, pinahihirapan pa ko. natutuwa siya pag pinahihirapan niya ko. pero, hindi naman ako nahihirapan kasi lalake ata ako. hahahaha. pero nung nagtagal na, ahihihi (kinikilig ako!) naging close na kami. syempre nagstart sa text (lagi naman eh. forward lang ng forward ng mga quotes, jokes etc. dahil yan sa Globe Unlitxt. iba talaga pag unlimited, kelangang sulitin.)
weird nga kami eh, kasi sa text parang ang dami naming pinaguusapan, pero pag magkasama na kami (with friends, of course) eh, parang ang konti lang ng words. wala masyadong pinaguusapan. maybe because, nandun ung friends. kaya wala kaming moment na kaming dalawa lang. hahahaha.
and as time flies...aun ganun pa rin. nagstart lang sa jokes. the corniest jokes. believe it or not, nagpapalitan kami sa text ng jokes. para sa iba, parang its a waste of time. kasi ang corny naman ng joke. pero magkatext kami buong araw hanggang gabi, at puro jokes lang un. parang banatan ng joke. pa cornihan. and to think na christmas pa nun.
at kinikilig ako tuwing magkatext kami. kahit na puro asaran, kagaguhan, kalokohan, kabastusan ang pinaguusapan namin, kinikilig pa rin ako. take note...wala romance dun. ung time lang na ginugugol niya para makipagtext or magtext eh...kinikilig na ko. whahahaha. naiisip ko nga lang siya kinikilig na ko.
and lately, bago matapos ang school year...araw araw ko ata siyang katext. and ganun pa rin kami, barahan, gaguhan, bastusan, bolahan etc. at nung Holy Week lang, magkatext din kami. medio may konting kagaguhan at bastusan, pero in fairness, medio mature na. hahahahaha. mala 'question and answer portion' na ang texts. a learning experience nga. nakakatuwa, at nag joke pa siya. sobrang corny, pero bumenta sakin. natawa talaga ako at kinikilig talaga ako. hehehe!
plus, nung nag out-of-town trip kami. kinikilig din ako. siguro akin na lang ung details. hahahahaha. (note: walang romance na nangyari!! wholesome tayo. na-touch lang talaga ako sa deed na ginawa niya at sa text niya.)
masyado kaming, or rather ako na lang, discreet pag kasama namin ung friends namin. wala namang nakakaalam na lagi kong katext un or nakakatext un.
pero lately, i dont know. i get jelous! oo, selosa ako. inaamin ko na ngayon. thank you sa friendster...dahil it made it possible for me to view ko kung ano man un.
sabi niya, wala daw un. friends lang. at hindi daw siya ganun. with matching 'hindeee!' kinukulit lang daw siya blah blah blah. and i would just reply, 'sabi mo eh.' nakakainis daw ako.
medyo nakonsensya ako. kasi naman, una hindi naman niya ko gf! tanga di ba? pinukpok ko nga ung ulo ko eh. pangalawa, hindi din naman niya ko nililigawan. and third, hindi ko siya pag-aari. right? so baket ako magseselos? pero, yes hanggang ngayon, i am jelous. kasi naman ung girl pala ung gumawa ng friendster niya, tapos inadd ko siya mga 2nd week ng march, and until now hindi pa niya inaaccept ung request ko! ang nakalagay sa profile niya is, last login: 1 week. siguro ung girl ang nagbukas. kaya aun.
but i said sorry. inasar pa niya ko after i said it. he said, ganun talaga pag cute. kapal!
but, yes! i like him. he always give me this kilig kahit na wala namang romantic atmosphere sa paligid. and if i were given a chance, if ever lang naman, between him and my uber crush, siya ang pipiliin ko. walang dalawang isip.
pero, as of now, ok na ko sa ganito. hindi ko man alam ang nararamdaman niya, pero anong magagawa ko. eh ayaw sabihin. at i think, alam niyang crush ko siya. nung nag out-of-town kami, ung isa naming kaibigan, pinaggigiitan na crush ko siya. kahit i-deny ko...wala lang. tahimik lang siya, ngingiti-ngiti.
and yes, i crush you. oo, ikaw. (as if mababasa niya to.)
sa ngayon, wala na naman kaming communication kasi...he's working. =)
ps. hindi ako inlove. ayoko ng puso.hearts. hehe. =)
No comments:
Post a Comment