lately ive been really moody. one minute im happy, the next im mad, then sad...and the list go on.
naiinis na ako sa sarili ko. hindi lang sa sarili ko, minsan naiinis na ko sa mga tao sa paligid ko...lalo na sa mom ko.
ewan ko ba. basta...ayoko siyang kausapin. dahil...nagkabanggaan na kami 2 weeks ago. at nasaktan talaga ako. muntik na nga ako maglayas nun eh, matutulog ako sa isang kaibigan..kaso hindi siya nag-reply. toink! o.O hahaha:) simula nun, malamig na ang pakikitungo ko.
kaya gusto ko laging mapag-isa at mag-isip isip sa buhay ko.
stress
ive been stressed this year. take note, hindi lang weeks...kasisimula pa lang ng taon, stressful na sa part ko.
unang stress: final report sa farm records and accounting. instead na written exam, magrereport kami. idedefend pa. large ruminant pa ang napuntang report sa amin. accounting pare..hindi ko pinangarap maging accountant..at kahit kelan ayoko. ang hirap. grabe ung stress ko nung mga panahon na yan. natutulog na ko ng umaga. waah! pero tapos na!
pangalawang stress: case report sa special pathology. basta, nakakastress. not to mention, hindi naging maganda ang pagdefend namin sa ikinamatay ng tiger. darn! babagsak pa ata ako. :( T.T.. nakakastress kaya yung araw na yun. may class ako ng 9:10-10:40, 10:50-12:30, exam sa physio ng 12:30-1:00, tapos defense na ng 1-4. hindi na nga ako naglunch eh. pero, wala..manhid na ata ako ng araw na yun. :(
sadness
akala ko ok kami. mali pala. tama nga ang sinabi nila, mahirap mahalin ang taong hindi ka naman mahal o gusto. nung narinig ko yun, sabi ko sa isip ko...ouch!
dati lagi kaming nag-uusap. parang ang saya pa nga eh. pero, nahinto un. tuwing nakikita ko siya, natutuwa ako. pero...bihira na kami mag-usap.
ang gulo. ang mahirap pa nun, pag kaibigan mo ang mahal mo. ouch talaga.
...natatakot akong malaman niya ang nararamdaman ko. pano kung ireject niya ko, handa ba ko? crush pa niya ata ung kaibigan ko. ouch!!!:(
...iniiwasan ko na nga siya, para medyo mawala ang nararamdaman. para bumalik ang lahat sa dati. pero pagkasama ko siya, gusto kong huminto ang mundo at oras at makasama na lang siya. corny, pero totoo.
siguro yan din ang dahilan kung bakit inom ako ng inom ng redhorse. hahahaha:) pahinga na ngayon ang atay ko, kasi exam week. hehehe:)
faith
minsan tuloy, nagagalit ako sa mundo. sa mga nangyayari ngayon. kasisimula pa lang ng taon. ang malas na. ang sama na. pero anong magagawa ko. kailangang tatagan ang loob. isa pa kasing mali sa akin, hindi ako relihiyoso. i rarely pray to God. yes, rarely. pag nagadasal siguro ako, grabe ang pangangailangan ko nun. ang sama ko.
kung nakakausap lang siguro ako ni God, kinatok na niya ang puso ko. siguro un ang kulang sa buhay ko. Faith. naniniwala ako sa kanya, pero walang faith. :(
kailangan ko ng magbago. at susubukan ko...mali, dapat kung gawin. pero mahirap mangako...lalo na kung hindi naman tutuparin.:(
No comments:
Post a Comment