mukang napapadalas na ang pag-blog ko. eto lang kasi ang paraan ko para mailabas ang nararamdaman ko. dito kasi nasasabi ko ang lahat. wala naman kasing nakakabasa nito...kaya dito ko lang nasasabi lahat ng nararamdaman ko.
parang kelan lang lahat ng taong nakapaligid sa akin in love...ngayon naman, puro break up ang naririnig ko. hay! pag-ibig nga naman.
nakita ko siya ngayon. nakakainis nga eh. akala ko ok na ko. hindi pala. magaling nga siguro akong magtago ng nararamdaman. pero ok lang talaga ako. kailangan lang mapag-isa.
i want to share this quote sent by a highschool friend: I missed the day when tying my shoe was the hardest thing i had to do. now.. its learning how to smile, when everything inside me... tells me to cry.
thats the status of my heart lately...sad, broken, angry, crying...
ang hirap palang magmahal ng isang kaibigan. may outing kami sa monday. sa batangas. parang ayoko ng sumama, kasi baka may mangyari na ikakagulat ko, at baka hindi ko kayanin ang mararamdaman ko. isa pa, gusto ko rin mapag-isa. hindi ko alam kung pano ko gagawin un dun, pero gusto ko talagang mapag-isa. ang tanga ko kasi eh. anong gagawin ko?! kung lagi ko siyang nakikita, pano ko makakalimutan ang nararamdaman ko? pero ok lang, bakasyon na eh..hindi ko na siya makikita kahit kailan...
gusto kong umiyak. pero bakit? because of rejection??? siguro.
on the lighter side, gusto ko na lang magpakasaya. at mahalin ang sarili ko. at ang mga alaga ko. hindi ko naman siya kailangan. kaya kong mabuhay ng wala siya. after nga pala ng batangas, pupunta ata kami ng family ko sa puerto galera. yehey!!! a time to be alone, a time to reflect and think!!!
i have this wild plan, na kung hindi ako sasama sa batangas, ung pera ko na pangbatangas gagastusin ko papuntang....puerto ng mag-isa. as in ako lang. kahit pamilya wala. gusto ko pa ngang pumuntang cebu at bohol..o kaya sa palawan ulit..or sa baguio. kaso wala akong matitirhan. tapos 1500 lang ung ibibigay sa akin. hehehe:) basta gusto kong pumunta sa lugar na walang nakakakilala sa akin. hahaha:)
ayoko na. magiging selfish muna ako..at sarili ko muna ang mamahalin ko. hindi na ko muna magmamahal ngayon. wala muna.
No comments:
Post a Comment