Jun 28, 2007

Like or Love?

ang hirap talaga ng walang pera. naniniwala talaga ako sa kasabihang, money makes the world go round.

ang hirap nitong sem na to. puro gastos. sana mayaman na lang ako. para walang kaso sa akin ang pera. hahaha.

anyway, hindi pa tapos ang linggong to, pero ewan ko ba...pagod na pagod na ko. kung alam niyo lang ang mga pangyayari ngayong linggong to. naguguluhan ako.

monday - kami lang ng kuya ko ang tao sa bahay. kasi may seminar ang mommy namin sa bay view sa may UN ata un. nag-check in sila ng kapatid ko, si macy sa hotel. wednesday na sila bumalik.

tuesday - since i've joined in the tanglaw university center, whenever there is an activity, i at least try to join it...dahil plano ko talagang ibalik yung faith ko kay God.

monday night, ive changed my globe sim to a sun sim. for my old friends to keep in touch with me. then rosel, my co-tanglaw, texted me para yayain ako umattend ng mass sa Manila Catherdral. its a celebration for Fr. Escriva, the founder of Opus Dei.

at first parang ayoko, kasi sakto lang yung pera ko at nakakapagod din. pero in the end, i said oo, sasama ako.

so after our ethnovet class (thank you at nag-brown out. nadismiss kami ng maaga) we headed to tanglaw in examiner st. qc. pero before that, pinuntahan muna namin si cindy. sasama kasi siya. pero hindi ko ineexpect na pati si uhm, kasama.

so ayun, pumunta na kami sa tanglaw. while in tanglaw, nag pray muna kami sa mini chapel...sobrang seryoso kaming nagdadasal ng biglang...kumulo ang tiyan ni raymond (mon). nagdadasal kami ni cindy, pero dahil narinig namin yun, pigil na pigil ang tawa namin. hanep si raymond.

sumabay kami kina ate keith at mandy papunta sa church. i met mandy nung araw na yun. grabe. she's taking applied physics in UP. whoa!!!
pero bago yun, ehem..nakakakilig to. nag-share kami ni uhm sa payong. hahaha. parang sa mga movies kasi eh. si ate keith at mandy sa isang payong. rosel at cindy sa isa. ako at si uhm sa payong ko. eh ang liit lang ng payong ko. inaasar pa niya ko. sinasarili yung payong. at hindi lang yun, sa kalsada pa kami naglakad..hindi man lang sa side walk. tapos ako pa yung nasa side ng mga dumadaang sasakyan. sarap ngang batukan.

pero naghiwalay kami ng taxi. kasama ko sa taxi si ate keith at mandy. nagkita na lang kami sa simbahan na. bago mag-start ang mass, kumain muna kami sa greenwich. nagshare na lang kami ni cindy at mon sa double pan pizza.

after ng mass, pinakilala kami ni rosel sa ninong niya at ilang mga kaibigan. niyayaya ng saranggani si mon na sumali sa kanila. ahahaha. after nun, pagkalabas ng simbahan, sabi ko kay mon pagsumali ka sa kanila, mag-ne-necktie at longsleeves ka din. kasi yung kaibigan ni rosel na taga dun, naka neck tie. kagalang-galang. wow.

after nun, umuwi na kami. at dahil, gusto nila mag-lrt...nasabi tuloy ni mon, na yung arch ng gate ng intarmuros ang lrt. adik!!! hehehe. joke. natawa na lang kami. sa malayo kasi, iisipin mong riles yun ng lrt...nung papalapit na kami, gate lang pala ng intramuros. natawa na lang kami. 9pm na ko nakauwi nun eh.

wednesday - wala lang. ordinary day.

thursday - nagpasa na ko ng kulang na requirements ng org namin. late ako sa poultry med, pero nasagot ko lahat ng tanong niya sa oral recitation. gumawa kami ng hamon sa fst...at hindi ko man lang nakausap si ehem. lagi na lang. nauutal ako sa kanya. ginawa na namin yung design para sa bulletin board ng org namin. at pumunta si uhm. nakita ko nanaman siya.

bukas, surgery lab namin. kung bakit naman kasi nag-volunteer pa kong dadalhin ko yung pusa ko. nakakapagod tuloy.

nalilito na ko. sino ba talaga? si M o si R? ang gulo. though, wala naman talaga akong pag-asa kay M. to the highest level un eh. hindi nga ako kinakausap. si R naman, comfortable ako sa kanya...at masaya din naman. sabi ko nga kay xuxa, we (me and r) complement each other. *wow!!* hahaha..

tama na nga. ayoko na ng boys. hahaha..:)

aiii...ang gulo talaga. hindi ko alam kung sino ang gusto ko. pero, humingi na ko ng sign kay God...at willing akongmaghintay. hehehe:)

Goodnight!!!

Jun 22, 2007

My Most Embarrassing Moment

ill just make this short. nung uso pa ang autograph, i find it hard to answer my most embarrassing moment. because my most embarrassing moment wasnt that embarrassing at all. not until today, i can write that what happened today was really embarrassing.

nadapa ako sa harap ng maraming tao. at di lang yun, guess what kung saan? sa bridge na nagko-connect sa Farmers plaza at gateway. at ang dapa ko, dapa talaga. both knees and palm on the ground. parang aso.

could you just imagine how many people saw it? nakakahiya talaga. buti na lang kasama ko si albino at hindi ako nag-iisa.

when i stood up, hiyang hiya ako. napakabit ako kay albino habang naglalakad. tapos tawa kami ng tawa. hindi ako naiyak, natawa ako.

para tuloy akong si Miriam Quiambao at Miss USA. nadapa. hahaha.:D pero, hah..tumayo ako with grace. hahaha:)

nakakahiya talaga. buti na lang hindi sa school nangyari, at hindi naman ako laging nasa gateway. hahaha:)

so that's my most embarrassing moment. ;p

Jun 21, 2007

100th post :)

this is my 100th post. hahahaha. ang dami ko na palang nailagay dito. at ngayon magkukwento ako. hahaha. natutuwa lang talaga ako ngayon.

kaklase ko yung crush ko sa isang subject. wahahaha. pero medyo nadismaya ako ng marinig ko na may gf na ata siya, though its not sure. pero naiisip ko din naman na imposibleng walang gf yun. db?! pero ganun ako, pag nalaman kong yung crush ko may gf na, nawawala na lang yung, uhm pagnanasa? wahahaha. its a joke. basta nawawala na yung kilig. :) at ang shonga ko talaga, kasi nung binanggit yun, tumingin pa ko sa kanya. nakakahiya. >.<

on the brighter side...
may isa pa kong crush eh. eto medyo ka-close ko, or ka-close ko talaga. grabe, nakasama ko siyang magsimba sa school. at sabay pa kaming nag-lunch...pero may isa pa kaming kaibigan na kasama :). first time ko din magsimba na iba ang kasama ko. so, wala lang. nakakatuwa.

habang nagdadasal nga, tinatanong ko si God, eto na ba to? pero siyempre, hindi ko na pinangunahan si God. Inalis ko na yung idea na yun. :) Bahala na Siya, kung sino ang ibibigay niya sa akin. wala lang. ang saya.

first time...
last tuesday, i met up with someone i just met thru multiply, because i bought a watch from her. it was my first time to buy something online. nakakatuwa. para lang akong may textmate at nakipagmeet ako. hahaha. its a weird feeling. really.
look, ang ganda nung watch. :) girl na girl. :)

Jun 18, 2007

Masayang Araw

ewan ko ba. basta masaya.

una, eto ang unang araw ng regular na klase. naka v-neck na kami na uniform (pang clinician) at white shoes. excited. mukhang kagalang-galang. hehehe. at nakita ko yung crush ko paakyat ng hagdan, bago ang uniform, at haaaaaay..ang gwapo niya sa mata ko. hahaha. pero di pa diyan nagtatapos.

ang klase ko tuwing monday ay hanggang 12:30 lang. yehey!!! after ng klase ko, diretso akong library kasi nandun yung mga friends ko, at hahaha ang crush ko. :)

after nun, umalis na kami sa school ng mga 5pm. una, naisip namin ni albino na mag-gateway, pero sabi ko sm north na lang, kasi nahihirapan akong sumakay ng jeep papuntang diliman ng mga ganung oras. so nag sm north kami.

bibili din ako ng school supplies, kasi hanggang kanina wala pa kong gamit sa school. hahaha. at thank you card pala para sa lola ko. :) ng biglang pagliko ko sa may mga notebooks, nakita ko yung kaibigan niya tapos siya nakatalikod. nagulat ako. err, di ko alam kung tutuloy ba ko o eh hindi. nahiya ako.

basta nakakahiya. hindi ko lang alam kung nakita niya ko, pero tingin ko, oo. hahaha.

crush ko talaga yun. ewan ko ba. basta ang saya. unexpected kasi. kinikilig ako. hahaha:) pero crush lang, asa pa ko. tingin ko err, may gf na yun eh. hahaha:)

goodnight!!!

Jun 16, 2007

Heavy Burden slightly gone

yes, finally...i went to tanglaw university center to..join and get to know God. its a good feeling. and i have to celebrate because finally, i made my confession. yehey! i feel so light. though i forgot to say some minor sins, because i concentrated on the major ones. but it feels so good, kasi nailabas ko na lahat ng mabigat at negatibo sa puso ko.

i also attended a recollection, and i feel Holy. :)

i suggest you join some groups that would enrich you as a catholic or join a bible study. it would really help you lighten up the load you carry in heart. :)

God bless! and goodnight!:)

Jun 14, 2007

First Day of School

sometimes i dont admit it...but i am always excited when school is about to start. im not smart but there is something about going to school that excites me.

excited ako makita ulit ang mga friends at crush ko. hahaha. at syempre, excited ako sa mga subjects na kinukuha ko.

last june 13 ang first day namin sa school. ang saya. though nakakakaba ang mga subjects ko ngayong sem. may thesis proposal na ko, may surgery pa at puro medicine na subjects (canine and feline med, poultry and rabbit med at swine med), plus iba pang vet subjects.

excited pero, kabado. not to mention na magastos. haaaaaaaay! sana maging maayos ang sem na to. mukhang dapat bawas-bawasan ko na ang pag-iinternet at panonood tv.

at aalis na ko, kasi may assignment kami sa physio 3 na kailangan ipasa bukas, kahit na wala naman kaming klase. sigh.

goodnight to all!!!

ps: happy birthday to my friend jillian. hahaha. :)

Jun 10, 2007

Scavenging for Food

last night, i felt so hungry. so...
i went food hunting... sa ref namin. hahaha~
and look what i have found...
3 hipon. actually, tira yan para sa kuya ko na hindi nag-dinner kasi tulog. pero dahil na-tempt akong kainin, kumain lang ako ng isa. isa lang talaga. hahaha~


at hindi pa ko nakuntento sa hipon. hahaha~
may 2 fried pork sa ref, pati yun kinain ko... hmmmmm...rapsa!!!

Jun 9, 2007

Picture picture

yehey. after a very loooooong time. finally, namanaged namin na magkita-kita... though hindi kumpleto. ahahaha~ but at least nagkita kami. magiging busy na kasi kami ulit. :)



from top left clockwise: seth; me and seth while waiting for pam infront of tokyo tokyo; pam; the three of us. putol nga lang si pam at hindi ako nakatingin sa camera; pauwi na. ako yun. :); us again. nagkasya; belat. katatapos lang manood ng pirates 3. :)


miss ko na talaga sila. sayang wala si naji. may work na kasi siya, so medyo busy. but we understand. :)

(i miss you guys. sana makapag get together tayong lahat. june na, busy na tayong lahat ulit. good luck!!)

Jun 6, 2007

Movies to Watch out

alam kong late na to pero, wala lang gusto ko lang sabihin.
last may 23, me and my sister watched shrek3. i love shrek. though, para sa akin parang mas maganda yung 1 and 2. nabitin ako sa 3.
the movie was for everyone. you will laugh all time. especially with the characters of donkey and puss in boots.


last may 26 naman. i watched pirates with pam and seth. actually libre ni seth yun kasi nag bday siya. we watched it in glorietta.

the movie was great. punung-puno ng aksyon plus may mga scenes na nakakatawa.




must see movies in the future











may dapat pa ba kong sabihin? ang daming magagandang movies ngayong june and july. im looking forward to watching these movies. :) mukhang mauubos ang allowance ko sa panonood ng sine. :)


i saw this trailer before watching shrek. and it was a very interesting movie. its a japanese film, and it talks about global warming. i just dont know when it will be shown in the Philippines. but as what i've read on yahoo singapore, it was shown already october 2006.

its a good movie. an eye opener of what will happen if we dont take good care of the earth. not just Japan will sink but also other countries.

Enjoy watching!!!

Jun 5, 2007

Life is wonderful

i received this text message from a friend and would like to share it to you. :)

7 Up's for a Wonderful Life:

1. Wake Up! decide to have a good day.
2. Dress Up! put on a smile each day.
3. Shut Up! learn to listen.
4. Stand Up! for what you believe in.
5. Look Up! to the Lord.
6. Reach Up! for something higher.
7. Lift Up! your prayers.

Jun 4, 2007

They're gone.

it is so sad. i thought this would be a fun, nice, happy day. but its not.

i woke up 8am to go to school because the president of our organization told us that we we're going to participate in the Oplan Linis of the classroom in our campus. And one of our brod will have his thesis defense and they asked me if i could buy the chicken. so, i said Ok.

to make the long story short, we did that. tiring but it was fun. after we did the oplan linis which took us like 10mins only. hahaha. then, we ate in the canteen.

then we've decided to go to SM north to...actually wala lang. bonding lang daw. we went to quantum, naglaro ako. i spent 75 pesos sa arcade. laro laro. Nag-enjoy ako sobra. Kasama ko pa si um. hahaha. then we ate at KFC, then we went to encore at kumanta, videoke. :)

may nangyari pa ngang di inaasahan. kung ano man yun, sa amin na lang yun. ;)

when i got home, isang masamang balita ang lumantad sa akin. my dog, inkee died today. :(

sumama talaga ang pakiramdam ko. nasa laguna ung aso ko, and i was planning to go home on friday.

sa ngayon, sobrang lungkot ko. teary eye nga ako. hindi man lang ako hinintay. T.T

i love inkee so much. he's the reason why i finally decided to take veterinary medicine, for the simplest reason...gusto kong ako ang maging personal vet niya pagdating ng panahon...ako ang gagamot sa kanya. but then he left me. hindi ko siya nakita. i last saw him may 12.

im crying while typing. its so sad. i hope he's happy in pet heaven with God and with our other dogs who have died.

i feel bad.

and then last saturday, my cat, licca was gone. its because mom ran over it. actually hindi naman sinagasaan. muntik na, buti na lang pinaforward ni kuya yung kotse para makatakas yung pusa. kahit hindi ko nakita, alam ko nasugatan siya at napilayan. gusto ko sanang alagaan at gamutin kaso nawawala na. hindi na bumalik, kahit na nagbibigay na ko ng madaming pagkain...ibang pusa ang dumadating.

hindi ko na alam kung nasan siya. at kung nasan man siya, i hope he's okay. im preparing that cat for my surgery subject sana. :(

to end this blog, i just wanted to say:

i love and will miss you inkee and licca. you will stay in my heart forever. T.T

Thank you God. and please take good care of them. Thank you. Thank you. :)

Jun 1, 2007

Feelings That Were Kept...

These past few weeks...months, I’ve been thinking two persons. And I don’t know why I’m thinking them. So, yeah I have to let it out.

Meron akong crush na naging kaklase ko. I know this sounds corny, pero napapahinto ang mundo ko pagnakikita, nakakasalubong ko siya. Haha. Pero believe it or not, never pa kaming nag-usap. Sigh. And believe it or not, yung mga kaibigan niya nakausap ko na pero siya hindi pa. L at sa pasukan, hindi ko na siya kaklase kasi nasa kabilang section na ko. Wala nanaman akong pagkakataon na makausap siya. Sigh again.

Yung isa naman, kabaliktaran. Ka-close ko. Katext ko pa nga minsan. Tinuturing ko ngang bestfriend pero di niya alam. Haha. Kaso ang labo nun eh, sa text ang daldal pero pag magkaharap na kami, parang pili yung mga words na sinasabi. At nasaktan na niya ko. Ang labo ngang kausap nun eh, parang sinabi niya na crush yung kaibigan ko tapos binabawi na. Ang labo. pero, oo, close talaga kami. Basta masaya naman siya kausap. May humor naman kahit papano. Mabait at matalino. Marami ding atang nagkakagusto dun eh ewan kung bakit. Haha..

Ayun. Hahaha. Either way walang mangyayari. Asa pa ko. ~hahaha

Nanaginip pa nga ako eh. Pero weird. Unang scene si guy no. 1 tapos pangalawang scene si guy no. 2. ay ang weird talaga.

Grabe.

God knows everything.