Mar 8, 2005

good deed..^.^

hahaha..isa akong mabuting bata at kabataan..

pauwi na ko..pagkatawid ko may matandang nagtanong kung tatawid ba ako ulit sa kabila..sabi ko hindi na po kasi dun po ako galing..of course the old lady thought na dapat itawid ko siya..paggalang kasi un sa matatanda di ba? pero medyo nakiramdam muna ako kasi ayoko ng bumalik sa kabila. hirap makipag-patintero sa mga sasakayan. anyway, panay ang parinig nung matanda na natatakot siyang tumawid dahil sa mga trak, lalo na may trak pa ng coke na nakahinto dahil sa traffic. nagmatigas ako, sabi ko pa nga, 'ayan po pwede na kayong tumawid kasi traffic naman.' pero hindi pa rin tumawid ang matanda..nagparinig pa rin na natatakot talaga siya..nagabang ako ng bus para makawala na..hehehe..i'm bad..>:) pero dahil sa mabait ako at hindi na siya tumigil sa kakaparinig at para naman masabi niya na kahit papano ay may mga kabataan na mabait at matulungin sa matanda, sinabi ko sa kanya na itatawid ko na siya..:)at ayon,,nakatawid din kami sa wakas kahit na ang bagal niya at feeling ko hinahatak ko na siya sa bilis kong maglakad..:) at syempre nag-thank you siya..:)

hehehe..i told my mom about that at tawa siya ng tawa to think na ung kabaitan ko sa tao at sa hayop ay magkaiba..at talagang nakiramdam muna ako bago ako mag-decide na tulungan siya..:)

dapat tularan niyo ko..yahooo!!!:)

No comments:

Post a Comment