Feb 21, 2011

We're Two!


(click to enlarge...kung gusto niyo lang)
Yesterday (feb. 20, 2011) me and my sweetness celebrated our anniversary! we're soooo happy! we first planned to go to moa, pero dahil nagtitipid kaming dalawa, we've just decided to stay at our house. i cooked lunch for him. buttered garlic shrimp, he loved it. he bought a palabok and siomai (because it was my request!) at un din daw ang gift niya sken. on the other hand, i gave him a card made by ehem, ehem! me!! i tried my best in drawing those animals, with a japanese book as a guide. hahaha. he liked it, and i think kinilig siya! hahaha. and because we're at home, we watched the cable and he did some typing for his school!

it was worth it! walang gastos, pero masaya kasi kasama mo ang mahal mo. tama? TAMA!
Posted by Picasa

Feb 18, 2011

Wedding Videos

they made me cry!

and i wish Jason Magbanua will be the one to videograph my wedding in the future. hahahahaha. kung may pera.


weddings. its every girls dream to have a wedding that they will truly remember.

i already watched Tuesday Vargas sweet wedding video, the ever controversial Maggie Wilson's pre-nup video, just a while ago Roxanne Guinoo's wedding video, and now im in the website of Jason Magbanua, watching the other wedding videos. Watching those videos, just put goosebumps all over my body and i want to cry.

i know i already blog about weddings in my tumblr account. How i want my dream wedding to come true, though i don't know if we can afford it.

so, ano ba ang dream wedding ko? gusto ko sa beach. para dun na din ang reception. :) i just want it to be sweet and solemn and romantic siyempre.

CUT!

Feb 15, 2011

Valentines 2011.


Ah Okay? Isa nanamang kwentong MRT at makabagbag damdaming Valentines 2011!

Valentines kahapon. Lunes. Alas-siete ng umaga. Inaasahan kong dagsaan nanaman ang tao sa MRT, pero mali ako! Namamalik-mata ba ko? Walang mahabang pila at walang siksikan sa tren. Ayos! Maaga akong makakapasok. Akala ko, nag-leave ang mga tao sa opisina para makipag-date.

Ako, wala akong date sa umaga. Kasi ang boyfriend ko ay may “trabaho”. Pero sabi ng nanay ko, magdate daw kaming tatlo: ako, si mommy at si macy. After na ng trabaho yun.

Mapapansin mong lahat ng tao, ay mukhang in-lab in-lab sa isa’t isa pero nung nakaraan lang nag-away. Hahahaha. May mga mag-jowang akala mo sila lang ang tao sa mundo. Ang sweet. Kulang na lang itlog at pwede na silang iluto parang tikoy. At syempre mawawala ba ang mga mag-jowang pareho ang suot. Show me some love.

Sina manong at manang busy sa pagtitinda ng mga rosas at kung anu-ano pa na pwedeng pagkakitaan sa valentines. At ang facebook ko ay puno ng mga larawan ng bulaklak at tsokolate na binigay ng mga boyfriend nila. Sweet noh?

Maiinggit ba ko? Sa totoo lang, di masyado. Hahaha. Hindi ako impokrita noh. Pero naisip ko na sana kasama ko ang sweetness ko. Sa totoo lang ni minsan, hindi ako binigyan ng bulaklak ng bf ko. Gusto ko siyang tanungin, pero nahihiya ako. Ayiiii!  At ni minsan hindi kami nag-date ng Valentines. Kuripot din kasi ako, at siya naman…ah…kuripot din. Hahaha. Pero pag birthday, pasko at anniversary naman ay may regalo siya saken. Hindi mamahalin, pero alam kong effort kung effort naman siya. Saka kung ano lang ang kaya niya, dun lang siya.

Naisip ko din na sa halip na bulaklak eh, pagkain na lang…gaya ng French fries ng KFC. Gusting gusto ko yun. O kaya cheeseroll sa Mary Grace. O kaya pizza! Hahaha. (Nagutom ako dun ah!)

Natanong ko din sa sarili ko, kung baket tuwing valentines eh, lumalabas ang mga langgam sa katawan ng tao at sweet na sweet sila. Pwede naming araw-araw valentines. Pero pinagdasal ko na sana, gawin nilang national holiday yun, para walang pasok. Mas masaya yun di ba?

Masaya din naman ang valentines ko. Sa trabaho binigyan ako, mali kaming lahat pala, ng tsokolate ni Charlene, meiji, na ang sarap sarap. Pero hindi ko pa rin siya ubos hanggang ngayon. At nagbigay din si Ken (Hapon siya) ng tsokolate sa aming lahat. At take note: Patchi. Sabi pa niya kay Marie, na mahal yun. Akala namin nasa 50 ang isa, pero sabi ng kapatid ko ayon sa kanyang reliable source, mga nasa 200 ang isa. Ganun kamahal. Napa-whoa na lang ako. At parang gusto kong iluwa kasi ginto yun. Pero ang sarap sarap niya. O di ba ang sweet nila.

Ako walang binigay, kasi ngayon pa lang ang sweldo. Hahahaha.

Alas singko ng hapon. Uwian na! Dahil nga walang masyadong tao nung umaga, akala ko ganun din sa hapon. Pero mali ako!!! Maaga pa, pero yung tao dagsaan. Buti na lang at nakapasok pa kami sa platform. Madaming tao ang humahabol sa date nila. Kahit yung mga hing naman taga- QC pupuntang trinoma para…ewan. Makipagdate. Sa unang tren na dumating, hindi kami nakasakay. May mga estudyante kasi, magkakaibigan, ang pupuntang trinoma. Valentines, may dahilan para maglakwatsa. Pero ayaw nilang maghihiwa-hiwalay para makasakay ng tren at para mabawasan ang tao. Kaya ang resulta, naunahan namin pa silang sumakay (2 kami ng katrabaho ko). Akala nila, luluwag un, pero I doubt. MRT pa. Dahil nga nagtutulakan, yung isang estudyante, napasigaw ng…”aray! Ang b***s ko.” Hehehehe. Naipit siguro. Hay. Ganun talaga sa MRT. May nakasabay naman ako, nabuksan ang botones ng blusa niya, dahil siksikan at nag-gitgitan.

Balik tayo sa mga estudyante. Makakasakay na kasi ang ilan sa kanila, pero lalabas ulit kasi yung iba nilang kasama hindi nakasakay. So may papalit na ilan. True friendship daw yun.

Eto pa, si kuya, nakapasok sa mga babae. Isa siyang binabae na may shadow ng bigote. Naisip ko, buti pa siya nasa loob na ng tren. Hehehe.

At eto pa, may mag-jowa sa tren para sa mga babae. Hindi sila lesbo. Babae at lalaki talaga. Sa isip ko ang kapal naman ng mukha nung lalaki at pinilit niya talaga na dun siya sasakay. At naisip ko din na baka, buntis yung jowa niya. Ang sweet nga nila. Sinuotan pa ng babae ng kwintas yung jowa niya.

May mga taong hindi talaga sumusunod sa batas o sa simpleng paalala. Baket nga ba, nagkaroon ng segregation scheme sa MRT? Kasi may mga lalakeng maniyak. Yun ang realidad. Naranasan ko na yun eh. Hindi  naman yun nilagay para sabihin na espesyal ang babae at dapat silang bigyan ng sariling tren na kanila lang. At kung hindi tayo marunong sumunod, hindi talaga uunlad ang Pilipinas. May overpass na nga, tatawid pa rin kung saan gusting tumawid. Pag nasagasaan, sila pa ang galit. Tama! (may galit ka, ‘te?)

Nakarating din ako ng trinoma. Kumain muna kami ni mommy sa breadtalk habang hinihintay si Macy. Sarap ng standard sausage bread nila at Hawaiian pizza at Singapore coffee. As usual, ang daming tao. Parang akala mo may 70%off na sale.Ang dami kong nakitang may dalang bulaklak. Yung iba halatang mamahalin, yung iba halatang…may mabili lang. hahaha. Masabi lang na may pagbibigyan sila ng rosas.

At sa wakes, dumating na rin ang kapatid ko. At nag-dinner na kami sa Abe. Ang sarap-sarap. Tamad kasi akong magluto, kaya mas gusto ko pag kumakain sa labas.

At para sa kabuuan, masasabi ko na masaya ang valentines ko. At ang valentines ay hindi lang para sa mag-jowa. Para ito sa pamilya, kaibigan, alagang hayop, at para sa sarili. Love yourself first!

Happy Valentines again! (para sa mga nasa ibang bansa, Valentines pa lang sa Amerika eh).

Feb 14, 2011

Kwentong MRT at iba pa

babala: ang blog post na ito ay opinion ko lang. pasensya na kung may natamaan, di ko sinasadya. May freedom of expression naman tayo di ba? at saka, blog ko ito. wala ngang nagbabasa or bumibisita sa blog ko na to. Mabuhay ka Pinas!


Proud akong Pinoy ako, pero minsan hindi maiiwasan na magtaka ka, kung bakit may mga taong di marunong umintindi.

Linggo, sa mrt. Kaunti lang naman ang tao, di naman kelangan mag madali. Sa may hagdanan ako galing, samantala ang babaeng nasa likod ko ay sa elevator galing. Kasagsagan nun ng kamakailan lang na pagsabog ng bus sa may Ayala-Edsa. Natural lang na maging alerto ang mga guards ng mga publikong lugar. Matagal ang inspeksyon, at hindi makapag hintay ang babae sa likod ko.  Para pa siyang nagreklamo na bakit ang tagal at ang bagal.

Nung oras na yun, gusto kong sabihin na, “ate, anong gusto mo, makapasok ka agad pero na bomba naman ang sinasakyan mo, o ang makasiguro na ligtas ka.” Slowly but surely. Napa-hay na lang ako.

Kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin ko pa na halungkatin ng guard at bomb-sniffing dog ang bag ko para lang makasiguro na ligtas ako.

Sa panahon ngayon, hindi na ko sigurado sa mga tao sa paligid ko. Bago umalis ng bahay nun, sabi ng nanay ko na mag-ingat ako sa pangit at mga kaduda-dudang mukha. Pero hindi sa lahat ng oras dapat ganun. Aminado akong hindi ako maganda, kaya naisip ko na baka ganun din ang tingin  nila saken. Masakit di ba? Kaya mas pipiliin ko pang, halungkatin nila ang bag ko. Ilang segundo or minuto lang ba yun? Hindi tatagal yun ng 3 minuto.

Hindi kagaya ng MRT and Airport na may x-ray scanning machine na makikita nila ang loob ng bag mo, at hindi sila gagamit ng stick na masabi lang na naipasok yun sa bag.

Naisip ko din, na mabuting itaas ang singil sa MRT. Para madagdagan ang tren, at maging kasinghaba na ito ng platform ng bawat istasyon. Kung hahaba ito, malamang ay walang siksikan pag rush hour.

Ang tanong lang, magagawa kaya nila ito?

Isa pang insidente sa MRT. Nag-aabang na ako ng tren sa may Ayala. Hindi naman ganoon kadami ang tao. Pagdating ng tren, bumaba ang madaming turista. Siguro ay sinubukan nilang sumakay ng MRT. Madami silang bumaba. Ang sabi ng isang babae sa likod ko ay, ‘may audition ba ng American Idol dito. Walang American Idol dito’. Pabiro lang naman niyang sinabi yun sa kaibigan niya. Pero dinig naming lahat.

Nakakapagtaka lang na kelangan pa niyang iparinig sa iba. Kahit hindi naintidihan yun nung mga turista, sa tingin ko ay hindi nararapat yun.

Samantalang tayong mga pinoy, pag may nasabi tungkol sa atin ang iba, racist na ang bansag natin sa kanila, at nagagalit tayo.

Ayon sa aking nakausap, tayo daw ang isang numero unong racist sa kapwa tao natin. Tayong mga pinoy, mahilig manlait. Sa damit, sapatos, buhok, kuko, daliri, ngipin, balat at kung anu-ano pa. Tama ba? Nung una, hindi ako sang-ayon pero pag minulat mo ang isipan mo, ang masasabi mo na lang ay tama.

Ako man ay guilty, inaasar ko ang kapatid kong baboy kasi mataba siya. At inaasar niya kong baba, kasi mahaba ang baba ko. O di ba, halimbawa un ng racism. Pag may nakita akong babaeng puno ng tighawat nilalait ko siya.

Kaya dapat ihinto ang ganun kaugalian. Sabi sa BDJ planner ko, “I will always try to focus on people’s good points.” Tama!

Kaya tama na ang negativity, at dapat puro positivity na lang.

Proud pa rin akong Pinoy ako. Aprubado na nga ang petisyon ko papuntang Amerika, pero nagdadalawang isip ako. Mas gusto ko pa rin ang Pilipinas. At Mahal ko ang Pilipinas dahil Pinoy ako. Kung pupunta man ako sa ibang bansa, yun ay dahil nagbabakasyon ako. :)

Sa susunod, ikukwento ko ang mga nakakatawang experiences ko sa MRT.
“Dahil rush hour at siksikan, lahat ng babae nagkakagulo na makapasok sa paparating na tren, di na ko kelangan maglakad, at voila! Nasa loob na ko ng tren. :)”

Feb 10, 2011

My Man

Warning! This is cheesy-overload. hahahaha

since valentines day is next monday and our 2nd anniversary is on next sunday, i thought that i might blogged something about my boyfriend. i haven't blogged about him after the 'it striked me...finally' and 'the man'. I tried writing it like a love story or a biography, but i was lazy in doing that because i'm at work and i just cant think. don't ask me why.

let's start from the beginning.

I'm Zeny Diana, i was in my 6th year in college. I am a no-boyfriend-since-birth woman. hahaha. so that makes me a hopeless romantic woman. I have a huge crush in one of my schoolmates and was hoping we could be friends, but scrap that out. he doesn't like me. an acquaintance told me likes pretty girls with curly hair...and my hair is a freakin' thick wavy hair. so yeah, im dump.

anyway, it was our ojt days at that time. we go to different clinics and farms to learn and gain experiences that we can use in the future. we're done in 3 clinics for small animal practice and 1 large animal practice for equine. the next farm is the farm that, how will i say it, it's nice but i don't like it. we will stay there for weeks.

do we have a choice. by the way, we are a group of four. they treat us like shit. we sleep in dungeon-like room. it's dirty and smelly. and weird. But little did i know, that in that place i will meet the man i've been waiting for 8 years of my life (since i was eighteen, because if i say 'i've-been-waiting-for-all-my-life' is not real...since i we're a fetus?? is it a joke?).

our duty is from tuesday to saturday because monday is university day meaning we have classes.
on monday morning before going to school, i packed my stuffs. clothes, check; sleeping mattress, check; blanket, check; slippers, check; bathroom needs, check; whatever...check!

while in the car, i feel its the worst day of my life. just hearing stories from my other classmates, makes things worse. finally i arrived in front of my classmates apartment. I just left all my things in their apartment and headed to our class. our class at that time is upto 12pm only. to make it short, we ate our lunch, slept in the apartment, drank a shot glass of gran matador, and sleep again, took a bath and went to the grocery to buy food and etc. then went back to the apartment to get our stuffs, and i wore my sleeping wear already and headed to the farm.

we arrived there around 8pm. when we entered the farm, i saw him already, but i was not in the mood to look at everybody or stay there for long, or whatever. we took a bath again (biosecurity) and slept. we have to be in the farm by 6:30 am.

we woke up around 4:30 am to eat breakfast and prepare. at exactly 6:30am we went inside the farm. there i saw him. but it wasn't a love-at-first sight thing. i thought he was one of the workers in the farm. he was wearing ragged clothes, but i told myself he was cute.

while cleaning the pig sty, the supervisor suddenly called me because i will castrate the piglets. she said im with someone. i asked who, and she said the other students. when we arrived at the pen, there i saw him, waiting.

at first, both of us we're not talking. until he breaks his silence and asks me some questions and my name of course. he's nice. i liked him on that week, but i feel he doesn't like me. one week is over. the second week, was still the same, except that he asked for my number. two weeks is over.

to be continued... hahaha.

(i've got to get ready to go home.)

Feb 13, 2011

After he got my number, I think he was disappointed. Why? because we use different networks. During that time, unlimited calls and texts boomed. So if we use different networks, the messages we're limited. One of his friends uses globe, so thats how he texted me. After two weeks, we returned to our normal lives. school, ojt's etc. i thought he wouldn't text me again, but he did. he changed his network. hahahahaha. sweet no? nagulat talaga ako.

to sum it up, we became "textmates". araw araw text kung text. :) nung time na yun hindi ko alam kung nanliligaw siya or what. until, one day, i texted him. i told him frankly, "nanliligaw ka ba?" nakalimutan ko na yung sagot nya. basta ang sabi niya "pwede ba?" without hesitation, i said YES! pero sa isip-isip ko, gusto ko na siya. pero sige try natin kung pano siya manligaw.

and because of the distance between us, i live in QC and he lives in bulacan plus there's so much to do in school, nanligaw na lang siya thru call and text. you may think, its pathetic, or cheap, or whatever, but for me, its genuine. i really like him, from the first encounter, but i wouldn't call it love at first sight.

i was in bataan having fun with friends. he texted me the three words, that all girls would love to hear from someone who makes their hearts beat faster, I LOVE YOU! then he called, and said it again... and yes, i said I LOVE YOU TOO!

We've only known each other for a month, and technically he just courted me for 2 weeks. hahahaha. and now we're going on 2...TWO YEARS! and in those days, i can say that, I LOVE HIM and i know the he loves me too. i know, that God gave him to me. he's not really my dream guy, he's actually the opposite, but for me HE's THE ONE! for real!

being with him is the happiest day of my life. I'm lucky to have him, as a friend, bestfriend and boyfriend, and someday my husband! hahahahaha.

oopps! i forgot to introduce him.




I'd like you to meet: Delson Delos Santos.

I LOVE YOU SWEETNESS! HAPPY VALENTINES AND HAPPY 2ND ANNIVERSARY! :)

queso!

My 25th birthday...

with family and boyfriend! somewhere in MOA last 10-24-2010











Official

last time I blogged about my mind being torn to resigning or just take a leave. guess what? I RESIGNED! haha. and I'm officially outta here by February 28.

the feeling is a mixture of sadness and yeheys, but there is definitely no regrets.

i know i made the right decision.

so yeah! hello student world again! :)