May 11, 2006

May Tama Ako.

its been really weird.

i like this guy at school. pero hindi ko talaga alam kung bakit ko siya gusto. pareho kami ng yr level magkaiba nga lang ng section. pero kilala ko siya. hindi lang naman kasi ako ang may crush sa kanya.

2nd yr pa kami nung nakikita ko na siya. pero wala pa kong crush sa kanya. ang yabang kasi ng dating eh. kala mo kung sinong macho. crush na siya nung kaibigan ko. sa kanya ko nga nalaman ung pangalan nun eh. so yun nga, hindi pa ganung kalakas ung feeling kasi attached pa ko sa past.

nung 3rd yr na kami, ewan. nag-iba. lalo na nung second sem. i guess marami ung kilig moments ko nung 2nd sem. pang-asar ko lang kasi dun sa kaibigan ko, kasi nga crush din niya, pero kinikilig din naman ako. oo, aaminin ko, hinahanap ko siya pag pumapasok ako sa school for inspiration bago ako pumasok sa klase. at lagi ko naman siyang nakikita. haaaay!

kung pwede lang manligaw ang babae sa lalaki siguro ginawa ko na. tingin ko, alam na niya na crush ko siya eh. kasi halata din ata ako. pag dumadaan kasi siya, natatawa ako. take note, natatawa hindi nangingiti. tapos tuwing nakakasalubong ko siya, parang humihinto ang mundo ko. again take note, mundo ko lang ang humihinto hindi mundo niya.

ayun..tapos ngayong summer hindi ko siya nakikita. nakita ko siya once, pareho pa nga kami ng kulay ng tshirt. nyahaha:) pero gusto ko siyang makita.

ano ba to? crush lang naman.

hindi naman talaga siya gwapo. malaki lang ang katawan. matangkad. instik. pero hindi gwapo. hindi nga rin cute eh. pero may angulo na gwapo siya lalo na pag naka glasses.
tingin ko, swerte magiging gf nun. madami din ata ang nagkakagusto dun.

actually, dalawa silang crush ko. pero ewan mas malakas ata ang tama ko sa kanya. tapos ngayon napupuyat ako, alam niyo ba kung bakit? kakaisip sa kanya.
nakakainis! bwiset talaga. sana mawala na tong feelings na to.

*i sound pathetic, dont i?*

No comments:

Post a Comment