Aug 10, 2007

Magulo

sa totoo lang, madaming nangyari pero hindi ko alam pano sisimulan.

last saturday and sunday my organization went to bulacan. Farm un ng isa kong org mate. may goat, pigs at manok. ang saya nga dun. nagpa lechon pa sila. yummy!!! ang sarap, mahangin at presko, not to mention na may hog cholera outbreak ata. hahaha. anyhow, nag-castrate kami ng goat at tantananan, NAG-AI ako. i tried artificial insemination in a sow. :) astig astig!!! ang laki nung baboy!!! :) tapos aircon pa yung kwartong tulugan namin. at may videoke pa. sina rosel, videoke to the max, meaning hindi sila natulog hanggang linggo!! OA pero totoo. ako, after kong uminom ng 5 basong redhorse, natulog na ko...kasi may sipon ako.:( pero dahil aircon at malambot ang kama, tulog ako!!!

lumabas na ang result ng vet licensure exam last tuesday and i would like to congratulate my sis ate vanessa and ate beulah. they passed. :) inggit ako. buti pa sila, first take pa lang pasado na...sana pag ako na rin ang nag-take, pumasa din ako. (mag drama daw ba?). :) and of course, CONGRATULATIONS sa lahat ng pumasa. ang top, of course, from UPLB.:)

im having a problem with my beer belly. Yuck i know. kababae kong tao, may beer belly tapos ang payat ko pa. pano kaya liliit ang tiyan ko? hahaha..pero gusto ko na talagang bawasan ang pag-inom. last week lang uminom ata ako buong linggo, wala naman celebration, puro bonding lang ang ginawa...tapos nung monday lang, hala..inom ulit. this is bad. hindi dapat maging addiction to. kundi, wawa ang liver. :(

ang saya..dahil maulan na. malamig na. masarap matulog. nakakatamad pumasok at matulog na lang. yun ata ang ginawa ko last wednesday. dahil walang pasok, i told myself that i will study for my exam in toxicology this friday...pero ang ginawa ko, nagkulong ako sa kwarto, nagbasa ng konti and after a few minutes...ayun tulog na tulog na ko. ang saya ko kasi wala akong thesis that time. kaya relaxed ako. hahaha!!! tapos walang pasok ng thursday..whohooo!! kaso nanghihinayang ako sa ice cream na dapat tapusin kahapon. kelan pa namin makakain un? o.O

yesterday, i went to bambang. anong ginawa ko dun? NAGSHOPPING!!! hahaha. nagshopping ng mga surgical instruments at scrub suit. musta naman un? nawiwili ako mamili. lahat ng nagastos ko para sa surgery, tumatagingting ng 6000+ and counting pa yan. akalain mo yun, pwede na ko makabili ng bagong cellphone o kaya ng mp3 player at pag nakaipon pa ko, pati digicam pwede ko ng mabili plus shopping spree. may 9000 akong pera, pero ubos na din yun. grabe ang gastos. tapos nakakapagod pa. haaaaaaay!!! after bambang, i went to mcdo lacson and treat myself with..syempre chicken mcdo at twister fries. like, parang may bago. hahaha;)

pagod na pagod na ko. buti na lang at nag-si-circulan 4in1 ako. hahaha!! nag-plug pa eh. astig to. effective sa akin lalo na pag may exam. gising na gising at eh, maganda sa brain. hindi ako nagmememorize, pero pag binasa ko tapos tulog, pagdating ng exam, nare-recall ko pa. hahaha:) kaso mahal pala siya. 18.50 ang 1 tablet sa tayuman. pag binili mo sa bambang 900 ang isang box, pag sa mall 1000. hahaha!! KAYA LET'S GO BAMBANG!!! ur da best. (bangbang para kay madel. :) hahahaha!!)

my dinner today, is mcdo ulit. fresh from 8-mcdo. and speaking of mcdo. nag motorcade kanina ang mcdo gang sa labas ng school. astig astig!!! namiss ko ang kabataan ko. kumaway pa kami ni ava kay ronald mcdonald, at dahil sa kaway na yun..binigyan niya kami ng keychain. yahoo!! how childish. kami lang ang kumaway sa kanila. haha.. walang picture kasi, dumaan lang talaga sila. as in mabilis lang. nakasakay pa sila sa truck. hahaha;) i miss my childhood.

goodnight world!!!

No comments:

Post a Comment