Sep 19, 2007

When Straight becomes Bent

girls, ladies, women alert!!! napapansin niyo ba? malapit ng magkaroon ng "mens scarcity" (tama ba grammar? oh well.)

actually matagal ko ng narealize to. ang sakit sakit kaya. una, meron akong super dooper crush sa uste nun. as in bonggang bonggang crush ko siya. kaya lang...silahis. though hindi naman siya yung gay na nagsusuot ng baby tee or nagpapowder..pero yung kilos niya..its so gay! hahaha. pero despite sa actions niya, crush ko pa rin siya.kahit na ilang beses ng sinabi ng mga kaibigan ko ng bading siya..love ko pa rin siya. hahahaha. pero syempre, wala na yun. wala na ko sa uste eh. hahahaha.

pano ko naman hindi magiging crush yun...nakakasabay ko siya sa bus pauwing laguna (bihira lang makakita ng ganun). chinito. same college kami. same department pa. naging classmate ko siya sa dalawang subjects noon. matangkad. maputi. matalino. kaso mataray. at asar siya sa amin.

pagnagcocomute ako, may sasakay na pogi. pero pag nagsalita na...ayun confirmed...lalake din ang gusto. asar di ba?

a friend sent me a text message and it says: 'bagong kasabihan: aanhin mo pa ang gwapo kung mas malandi naman sayo.' ang ganda ng text.

i mean, kelan pa kaya nila narealize na lalake din ang gusto nila? ako, tuwing magkakagusto ako...sablay lagi.

another incident...may friend ako, secretly crush ko siya, though alam ko na na gay talaga siya. ok bisexual pala siya. tapos sinabi niya na naging crush din pala niya ko. ok na sana eh...kaso ayun, may boyfriend na. oo, nahurt ako...kasi akala ko may future kami. hahahaha. pero dehins naman niya alam na gusto ko din siya. nung sinabi niya na crush niya ko, quiet lang ako. hahahaha (note: katext ko yung tinutukoy ko. hahahaha)

i know, ang saklap ng lovelife ko. grabe talaga.

hindi ko alam kung ako lang ang nakapapansin, pero dumadami talaga sila. at take note, kung sino pa ang gwapo siya pa ang nagiging uhmm..un na un. hahahaha.

pano na lang kung yung nakatadhana sayo eh lalake din ang hinanap. ouch man! ouch.

ang saklap ng lovelife. hahahaha. but of course, meron pa din namang mga straight guys, kaso...taken naman. hahahaha. or kung merong single, dehins mo naman type. hahahaha.

ang saklap talaga.

hehehe. XD

1 comment: