Dec 11, 2007

ang labo mo naman pare!

hindi na talaga ako magpapakopya. magalit na ang lahat. sabihin na nila ang dapat nilang sabihin, hindi na talaga... ayoko na.

nahuli ata kami nung prof namin kanina. :( hindi naman ako nangopya, as much as possible iniiwasan ko yun. pero pinakopya ko ang isa ko kaklase. at nahuli kami kasi tumingin samin eh. tapos nung pinasa ko yung paper ko, minarkahan niya ung paper ko ng dot. huhuhu.

nangyari na yan before. nahuli kami. ang sabi saken nung prof, "wag kang masaydong mabait... sa huli ikaw ang mapapahamak." though pumasa ako sa subject niya, still may point siya.

baket ba ko nagpapakopya?
- dahil sa pakikisama. minsan, pag hindi mo pinakopya, magagalit or maasar pa sila sayo. nangyari na to eh. hindi ko siya pinakopya, after nung exam..hindi ako kinakausap. halatang badtrip siya..sa mga actions, facial expressions, mga binibitawan niyang salita.

ang saken lang naman, ako nagaral ako. nagpuyat pa ko. kinulong ko ang sarili ko sa kwarto ng weekends plus kinancel ko pa ang mga dates ko para lang mag-aral, tapos ikaw...kokopyahan mo lang ako. hehehe. ang masama pa mas mataas ang score mo saken.

i have my point, di ba?

kaya...hindi na talaga ako magpapakopya. EVER!

sorry! malas din kahapon. ayoko ng ikwento at baka mabadtrip na ko.

:

No comments:

Post a Comment