Jun 14, 2008

Napamuni-muni lang ako!

dahil malapit ng mag-midnight at june 15 na...wala lang. normal lang. hahaha.

hmmm...actually ang dami kong narealize na bago sa sarili ko. bukod dun sa tumaba talaga ako, na napagkamalan akong buntis, at pumuputok na ang mukha ko, e madami talagang bago.

noon wala pa to eh, pero ngayon...haaaaaaaay!!

una! masungit ako sa mga taong ayoko ko. hahaha. pag di kita feel. tatarayan kita. ewan ko. dati hindi naman ganun. basta ang moody ko.

pangalawa! hindi ako open sa nararamdaman ko...NOON. pero ngayon..tingnan mo naman ang blog ko. puro lovelife ata ang laman. i tend to hide what i really feel inside. ayokong ipaalam na isa akong HOPELESS ROMANTIC...pero ngayon parang proud pa kong iannounce na naghahanap talaga ako ng lalake. wawa! hehehe

pangatlo! this is not new really. hahahaha. pero wala lang. gusto ko siyang i-consider...hindi ko na tinitingnan ung crush ko sa school. hahahaha. hindi ko na siya binibigyang pansin. kasi naman...SIYA ba binibigyan niya ko ng pansin? HINDI naman eh. kaya baket ko siya papansinin or iisipin or kikiligin or whatever!? di ba? hahaha... tamang alam ko na nag-eexist siya. at bawas na rin ang kilig factor...take note. BAWAS. hahahaha

at sa tingin ko eto ang pinakamatindi na nagbago saken. PARA SAKEN! lang. i really wouldnt call it KIKAY. pero oo, may KIKAY KIT NA KO SA BAG KO. Cologne (j&j pa), powder, foundation (ung bago ng maybelline)hahaha, lip gloss 3 klase pa, may eyelash curler, tissue, toothbrush, toothpaste, mouthwash, ung clean and clear na pang dry ng pimple...at wala na. hahaha. BUT, i dont use them talaga na, as in EVERYDAY. except syempre sa toothbrush, toothpaste/mouthwash, at tissue. ung foundation nga nung march ko pa binili halos walang bawas. hahahaha. kaya its not really kikay. [haaaaaaay nako! ano bang blog to??]

sa ngayon...yan pa lang. pero siguro naman may magbabago din sa takdang panahon. hay!

goodnight!

No comments:

Post a Comment