Mar 29, 2007

i love the beach

sa sobrang gusto ko ng dagat, exams week palang sa school, un na ang iniisip ko. wala ang utak ko sa subjects ko kundi nasa dagat na. :)

march 26 ang alis namin. pero sunday march 25 pa lang, umalis na ko. excited. natulog na ko sa apartment ng kaibigan namin. dun din kasi ang meeting place. madami-dami din ang natulog dun (ako, mark, carlo, ronnie at ung mga may-ari ng apt na sina caloy, billy, melanie at ate joy). excited kaming lahat. natulog kami 12 nagising kami 5. nagayos pa kasi ng mga kakainin at lulutuin nung gabi kaya medyo late na kami natulog. 6am ang alis namin pero kasi hinintay pa namin ung iba kaya 7 or 7:30 na kami naka-alis.


ang haba ng biyahe. dumating kami sa place mga 2:30 or 3pm na. naaksidente pa kami on the way. pero buti na lang walang nasaktan. si mark daw nagasgasan. hahaha:) at sa wakas nakita ko na ang dagat. ang presko. ang sarap ng hangin.:)


waw. ang ganda. pangarap ko talagang magtayo ng bahay malapit sa dagat. ang saya kasi. at ang tahimik. parang ang fresh pa ng air. basta ang sarap amuyin ng dagat kahit maalat. :)

may nakilala pa kong 2 bata. si Cassy /ka-si/ at si kuya. si cassy anak nung may-ari ng tindahan. si kuya kaibigan ni cassy. ang cute ng mga batang to. nagkwentuhan kami at tinulungan ko silang kunin ung jolens sa gran matador.;p masaya daw tumira malapit sa dagat.:) i agree.;p

ang saya talaga. marami pang pictures sa MULTIPLY ko. 3 days kami dun. pero bitin ako. gusto ko pang tumagal dun. matatagalan nanaman kasi ung balik namin dun. next summer pa ulit.
until next summer। ang brown ko na। hehehe॥ tapos sa holy week pupunta kami ng family ko sa puerto galera. yahoo!!
i love the beach talaga। someday, pag yumaman na ko, at may pamilya na ko. magkakaroon kami ng bahay malapit sa dagat.;p pero sobrang tagal pa nun. mga 20yrs pa. hahaha:)
--------
dagdag na lang। i did wake boarding. haha..ang saya pala nun. kaya lang ang daming sugat nung tuhod ko, pagnadadapa ako sa sand. medio mabato eh. pero ang saya, nakakapagod. pwede kang pumayat.:)
i also got drunk. ikaw ba naman uminom ng 2 boteng vodka mudshake, 2 boteng san mig light at 2 boteng gran matador..kung hindi ka tamaan. ang ingay ko nga eh. halatang lasing na. naglaro pa kami ni lan. nawawala kasi ung tsinelas ko tapos lasing na nga kaming lahat, pag tinatanong ako ni lan zeny tsinelas mo ba to? sagot ko hinde. ibabato namin ung tsinelas sa malayo. hahaha..maingay talaga ako paglasing pero aware ako sa nangyayari sa paligid ko.;p
hay. i miss it there.

No comments:

Post a Comment