Apr 11, 2007

Job Hunting

since its summer, ive decided to look for a part time job. something productive. hmmm. una kong naisip ang...JOLLIBEE. ahahahaha

last monday, april 9 ako nag-apply. ang aga nga eh. 8am. pero since nasa Pilipinas tayo, it started late. mga 8:30 na ata un. ang dami naming nag-apply. kinabahan tuloy ako. to make the long story short, i passed the first screening and written exam. pero nung interview na, dun na ata ako nadali. kasi summer job nga lang ang kailangan ko. meaning, hanggang first week lang ako ng june pwedeng magtrabaho. and jollibee needs crew for 6 months. hindi na ko pwede nun kasi vet med student ako at mahirap na ang schedule ko next sem. hay. sayang! pero ok lang.

another thing, yung mga nakasabay kong mag-apply...lahat ata sila kailangan ung trabaho. samantalang ako, wala lang. para lang sa mga kapricho ko. para may pera ako pambili ng mga luho ko. nagulat pa nga ata yung manager nung nakita nila yung mga eskwelahan at course ko. haaaaaY! overqualified ata ako. ahahahahaha. JOKE!

kahapon naman, nag-apply ako sa alpo. eto related na sa course ko. tapos, may ad din kasi sa school na naghahanap sila ng mga vet students na pwedeng mag-apply. go naman kaming magkakaibigan. natanggap na yung iba naming kaibigan. tapos kami ni albino nag-apply kahapon, at ininterview kami ngayon. SANA MATANGGAP KAMI. pang-summer lang talaga siya. hehehehe. bukas ko pa malalaman kung tanggap ako. :) hay.

nakakapagod talaga. bagsak nga ako sa kama. hahaha..

Sana talaga matanggap kami.:)

No comments:

Post a Comment